Nov 13, 2008

aleli

"ate, pinay ka?" tanong sa akin ng 1 babae nasa edad 18-19 nasa tapat ako ng kfc bugis noon.

"oo, taga san ka sa atin?" as ussual eto naman lagi ang tanong ko pag may nakikilalang kabayan.

"sa leyte 'te" sabay punas nya sa pawis sa kanyang mukha. noon ko napag masdan, medyo bata pa nga sya, makikita mo sa mukha nya ang larawan ng isang kalituhan. habang nag aantay ako sa green light para makatawid ng bugis junction, napansin ko na namumutla sya. dala na rin siguro ng dugong pinoy, kinausap ko syang muli.

"ok ka lang? mukhang namumutla ka ah"
"ate, pasensya na ha, nauuhaw kase ako wala naman akong pera. nag stokwa ako sa trabaho ko kagabi" at sabay sa pag palit ng kulay berde ng traffic sign ay sya namang paglagaslas ng luha sa kanyang mga mata.

Sa puntong iyon ay hinawakan ko na sya sa braso at isinabay paliban sa bugis junction, maaga pa naman para sa aking exercise kaya't may oras pa ako para alamin ang nangyari sa kabayan natin na tangan ko sa braso. Sa pagdating namin sa kabilang panig ng daan ay inaya ko syang maupo sa gilid ng waiting area ng mall.

"bakit ka naglayas, mina maltrato ka ba ng amo mo? gusto mo i report natin sa embassy?" sunod sunod kong litanya
" naku ate wag po, ayos na po ako. hindi na po ako nahihilo. ate wag po kayo magsusumbong."

Takot na sagot nya. "anu ba kase nangyari at lumayas ka"
"ate, kase hindi ko po kayang tumeybol sa mga customer. hindi rin nila maintindihan ang pag iingles ko. Isang linggo pa lamang po ako d2 at kagabi nga ay naisipan kong lumayas."

eto na ang ikinagulat ko. di pala sa bahay sya namamasukan, sa bahay aliwan pala.

"sabi po sa akin ni ate techie, maganda daw magiging trabaho ko dito. mag waitress lang daw ba. tapos malaki daw sweldo, nasa 10,000pesos daw bukod pa ang tip ng kustomer na aabot kada buwan ng 60,000 - 90,000 pesos. nung unang dating namin akala ko katulad lang sa pinas ang kustomer dito, kaso unang gabi ko pa lang hindi na ko makaintindi sa salita ba ng foriegner na kausap ko. kay kabaho man ng bibig. Intsik nung una, tapos negro yung sumunod."

deretso nyang kwento habang ako naman ay matamang nakikinig sa kanya.
"pero 'te nung 2nd night ko sa trabaho, naka $250 ako bigay ng kustomer. eh kase nga may utang ako kay ate techie kaya binigay ko lahat ng pera sa kanya. alam ko kase pagdating ng gabi may magiging kustomer na ulit ako"

"san ba dito sa singapore yung restaurant na pinasukan mo?" putol kong tanong sa kanya.
"sa geylang 'te. dun sa madaming tindang mga durian sa kalsada.madaming foreigners na nagpupunta. Sabi ni ate techie dun na nga daw nya nakilala naging asawa nya at ngayon nga ay kasosyo na sila sa bar na restaurant na yun."
"anong visa ang hawak mo papunta dito? may work permit ka ba? "
"wala po 'te, after 1 month pupunta daw kami sa malaysia tapos dun matulog ng 4 na araw saka babalik ulit dito, kaso 'te hindi talaga ako pwede dun. mas gusto ko pa sa probinsya na lang ulit namin. kahit mahina ang bar, hindi naman ganito kahirap. pag walang kita sa gabi hindi kakain sa umaga.minumura pa ako ni ate techie kay malaki daw nagastos sa pag palit ng plete ko dito ba."

"anong natapos mo na pag aaral sa atin?"
"3rd year college 'te, BS Math kaso kulang pera saka mahirap lang kami 'te. 7 kami magkakapatid, patay na tatay namin. Si nanay naman namamasukan sa pabrika. maliit lang naman kita eh andami namin gastos. pang 2 ako sa panganay. kuya ko naman nasa gawaan ng ice, konti rin lang kita nya dun."

Sinipat ko ang aking relo, 9:05am na pala late na ko sa training ko sa CF. Pero panu ko sya iiwan sa ganitong sitwasyon.Isa na lang naisip kong paraan at sana nga ay maging matagumpay iyon.

"Nu nga pangalan mo?"
" Aleli po 'te. "
Ah, aleli kase may lakad pa ako, pasensya ka na ha kelangan na kita maiwan. Eto ang name card ko," sabay abot ko sa kanya ng aking tarheta.
"Isasakay kita ng taxi, hanapin mo ang pangalan na nakasulat sa likod ng card na yan." at sa taxi stand nga ay hinatid ko si aleli, iniipit ko sa kamay nya ang $50 sabay sabi
" pasensya ka na ha, eto lang maitutulong ko sa 'yo. sana makauwi kang maayos sa atin at balikan mo pamilya mo"
"uncle, please deliver her to Nasim Road, Philippine embassy, here's $20 uncle keep the change" at habang papalayo ang taxi na sinasakyan ni aleli, nag dial naman ako ng numero ng phil embassy.
sana nga magawan nila ng tulong ang isang kagaya ni aleli.

1 comment:

  1. kawawa naman si aleli. san na kaya sya ngayon? sana nga eh natulungan sya sa embassy natin. dami talagang ganyang story dito...sinasamantala ng kapwa pinoy nila.

    ReplyDelete

Please leave a comment:

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;