Nov 13, 2008

pasan krus

Lyn and Don are opposite, sa lahat ng bagay magkaiba sila. pero sabi nga nila, opposite attracts, they end up marrying each other. they were blessed with 2 children.

sa loob ng 9 na taon nilang pagsasama, puro away ang kinahihinatnan ng kanilang pag uusap, nagkakasundo lang sila kapag maglalaro sila ng play station or gagala at magsa shopping.

Don is not a good provider, kuripot sya at walang pakelam sa pamilya, palibhasa ay bago lang nagkaron ng work at sariling buhay, hindi sya sanay na may pamilya. lumaki kase sya na walang ama, bata pa sya ng mamatay ito.

lyn is a very good provider, kahit anong negosyo pinapasok nya, basta mahalaga sa kanya maibigay na ang the best sa mr nya at 2 anak nya. ayaw nya na may masabi ang ibang tao sa kanya kaya kahit ikayod na nya ang kanyang likod maibigay lang ang luho ng mr nya.

minsan may nakarating na balita kay lyn, may nakakita daw na may kasamang babae ang mr nya na si don, di nya ito pinansin. Ilang kakilala na rin ang nagsabi sa kanya na may gf ito at kaopisina pa, pero binalewala nya ang lahat. 1 gabi, umuwi si don na mainit ang ulo, pinagbuntunan nya ng insi si lyn, dahil pagod sa trabaho maghapon, nakipag sagutan si lyn at nauwi ang lahat sa pananakit ni don sa asawa. ilang beses na rin nangyari ito kay lyn sa loob ng halos 9 na taon nilang pagsasama, kaya't kinabukasan, minabuti nyang magpunta sa simbahan. doon ay nakausap nya ang kura paroko, isiniwalat nya lahat ng daing at hinanakit nya sa kanyang asawa, pagkatapos noon ay pinayuhan sya ng pari :

"lahat tayo ay may kanya kanyang krus sa buhay na pasanin, hindi ibibigay sa 'yo ng ating Panginoon ang ganyan kabigat na krus kung hindi mo ito kakayanin, alam nya na magagawan mo ito ng paraan para buhatin"

lumipas ang ilang buwan, nagpatuloy parin si lyn sa pakikisama kay don, naroong gawin sya nitong utusan na para bang hindi na iginagalang. tiniis itong lahat ni lyn dahil mahal nya si don at ayaw nyang masira ang pamilya nya. pero hindi tumino si don, patuloy syang nagumon sa kabit nya at walang inintindi kundi sarili nya.

ika 10 anibersayo ng kanilang kasal, nakipag hiwalay si lyn kay don. inilabas nyang lahat dito ang sakit na nadarama, walang nagawa si don kundi lisanin ang bahay na magulang ni lyn ang nagpundar para sa kanilang dalawa. nagbalik muli si lyn sa simbahan, nakipag usap sa kura paroko, ngunit hindi na gaya ng dati, napaka aliwalas ng mukha nya at masaya. tinanong sya ng pari kung ano na ang nangyari sa kanyang buhay, malamang daw ay maayos na nyang nadala ang kanyang krus sa buhay.

"Father, sabi nyo po lahat ng tao ay may kanya kanyang dalahin na krus, alam ng Panginoon natin na kakayanin ko iyon kaya nya ibinigay sa akin. kailangan ko lamang humanap ng paraan kung paano ko iyon mapapagaan hindi ba?"

sumagot ang pari

" OO anak, lahat ng katanungan ay may kasagutan at lahat ng problema ay may solusyon"

"Father, nagawan ko na po ng solusyon ang problema ko. Sa sobrang bigat po ng krus na dala ko, naisipan ko munang mamahinga at ibaba ito. Pero father, noong maibaba ko ang aking pasan na krus, may dumampot ditong ibang tao at siya ngayong nagdadala nito. hindi ko naman ibinigay sa kanya, kusa nya itong kinuha, kaya pababayaan ko na lang hindi ba?"

Hindi nakaimik ang kura paroko, ang ibig sabihin ni lyn ay may umagaw sa mr nya na si don, hindi nya ito ipinamigay, kusa itong naagaw ng iba kaya't minabuti nyang hayaan itong pasanin ng iba.

Lumipas ang maraming taon, edad 58 na ngayon si Lyn, si Don naman ay nasa 63 taon na. may kanya kanya ng pamilya ang 2 nilang anak, mga propesyunal na rin ang mga apo nila.

1 gabi ay may kumatok sa bahay ni Lyn, ganoon na lamang ang kanyang gulat. Nasa harapan nya ay 1 paralisadong matandang lalake. halos buto't balat na ito, mababanaag mo sa kanyang itsura ang naging paghihirap. ngunit sa kabila nito ay may ngiting bumungad sa labi ng masilayan ang mukha ni lyn.

Si don pala iyon, inihatid ng ambulansya kasama ang ikalawang pamilya nito. Iniwan si Don ng kanyang ikalawang pamilya sa bahay ni Lyn, hiniling pala nito na ihatid sya sa bahay ni lyn. Dahil nasa kanyang tahanan, inalagaan ni Lyn ang dating asawa, walang oras na hindi sya nasa tabi nito.

Muling nagpunta si Lyn sa kura paroko ng kanilang bayan, doon ay sinabi nya na ang krus na kanyang pinasan maraming taon na ang nakakaraan ay muling nagbalik, ngunit ngayon ay mas mabigat ito, iniwan sa kanya si don na isa ng paralisado at may sakit, ma edad na sya at kinakailangan nya parin itong alagaan. subalit sa kabila noon ay hindi nya ito maaring pabayaan, asawa nya ito at tungkulin nyang ito ay pagsilbihan lalo na sa sitwasyon nito ngayon.

Makalipas ang ilang araw, kinausap sya ni Don:
"Kulang ang patawad sa kabila ng mga nagawa ko, ngunit ayaw kong ipikit ang aking mga mata na may bahid ng kalungkutan dyan sa puso mo. Nawala man ako ng matagal, tinalikuran man kita at ang mga anak natin, hindi kayo nawala dito sa puso ko. Gusto kong pumanaw kasama ka, ikaw na unang nag may ari ng puso ko"

Isang araw matapos ang pag uusap nilang iyon ay pumanaw si Don, biglang nawala ang bigat sa loob ni Lyn. Ang krus na kanyang pasanin sa wari nya ay kasamang naglaho ng si Don ay humingi ng tawad sa kanya.

Sabi nga nila, ang ibon saan man sanga dumapo, pagdating ng takipsilim, sa pugad parin ito hahapon. Hindi natatabunan ng taon, ng galit at pagkamuhi ang pagmamahal.

No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;