Aug 18, 2009

tsong-ki

Naranasan mo na ba ang pakiramdam ng lumilipad?
yung tipong itinutulak ka ng hangin at pakiramdam mo ay isa kang usok?

naranasan mo na ba maka tsong-ki?!

o, ang kilay mo nakataas na naman, baka akalain mo adik ako.
Inihahalintulad ko lang ang pakiramdam ko sa isang tao na nakaranas mag tsong-ki
parang nakalutang sa alapaap, lumilipad
walang iniisip, walang pino problema...parang kakayanin ang lahat gaya ni Batman.

naaalala ko pa nung una tayong magkakilala, bagong salta pa lang ako sa maynila noon
tatanga-tanga pa kumbaga.
naging kaklase kita sa humanities, anlupit mong mag explain sa klase, daig mo pa si sir reynoso.
hindi ka ganun ka gwapo, pero dahil sa angkin mong talino, daig mo pa si papa Piolo sa paningin ko.
di na nakakapagtaka, kung nag graduate tayo na marami kang medalya, matalino ka nga di ba.

nagpapansin ako sa 'yo,nag pa charming kumbaga.
di naglaon, naging MU tayo, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang yun?
Mutual Understanding nga ba? or salitang mag-un. ah ewan basta yun na yun.
nagkahiwalay tayo nung umuwi ako ng probinsya, sa minalas malas, bakit dun pa ako pinatapon ng kumpanya.
nawalan tayo ng communication hanggang sa nagkalimutan na.

makalipas ang 4 na taon, muling nag krus ang ating landas.
sinong mag aakala na sa inilaki ng Pilipinas, dito sa singapore pa tayo magkikita. of all the places,
dun pa sa lucky plaza, habang kumakain ka sa jologs. ang weird di ba?
di ka parin nagbabago, nasa mukha mo parin ang pagiging matalino
pero iba na ngayon ang gayak mo, wala na ang payatot at genius looking style mo
isa ka ng atleta sa paningin ko...isang henyo..isang arkitekto...isang hero..

hindi ko alam kung natuwa ka ba or nagulat lang talaga sa pagkikita nating dalawa,
nagsimula kang mag kwento, mga updates tungkol sa trabaho mo, mga nangyari nung mga panahon na nawala ako
at muli, habang nakatitig ako sa bawat buka ng bibig mo, sa bawat kumpas ng kamay mo
nagbalik sa akin ang pakiramdam na parang nasa alapaap, lumilipad, hinihipan ng hangin...
parang naka tsong-ki na naman ang dating.

nang walang anu-ano ay may mga dumating
doon ko nakita kung paano ka biglanmg nagbago ng anyo
mula sa pagiging atleta, noon ko lamang napuna...isa ka na palang DARNA.
mula sa alapaap, pakiramdam ko ay biglang bumagsak.

at sabi nga ng mga adik, isa kang BAD TRIP.

Aug 17, 2009

manhid na

Dumalaw ka daw sa bahay at binisita ang mga bata
kelan ka pa dumating? Hindi ko ata nabalitaan agad ang pagbabalikbayan mo
Kwento pa sa akin ng tyahin ko, mukhang sabik ka na makalaro ang 2 bata
Panay pa nga daw ang karga mo kay bunso.

Buti naman at hindi ka nakakalimot na bumisita
Kahit na matagal tagal na rin tayong magkahiwalay, naaalala mo parin sila
Sino ba naman ang makakalimot sa mga mumunting anghel na naiwan nating dalawa.
Iniwan ko para mag trabaho, at iniwan mo para magkaron ng kalayaan ang sarili mo.

Ayoko ng ibalik pa sa aking ala-ala ang nakaraan, tama na ang kahapon. eto na ang panahon para makapag bagong buhay...
Makalimot...
Maka move-on...

Pero habang nagku kwento sa akin ang tyahin ko, hindi ko mapigilan sumiksik sa utak ko ang mga tanong
Kumusta ka na kaya?
May pamilya ka na ba?
Anong itsura mo na, pumayat ka ba or baka mas lalu pang naging matipuno.
mga tanong na hanggang sa isip ko na lamang, tatagos sa puso, ilalabas sa buntong hininga.

Tama na ang umasa, panahon na para harapin ang bagong kabanata.
Ang pintuan ng puso ko ay nakapinid na.
Bingi na ang puso ko sa mga tibok na pilit gumagambala lalu't naririnig ang mga balita tungkol sa 'yo.

Manhid na ako.
Kaya't paulit ulit man itanggi ng puso at masaktan ang damdamin
Heto parin ako,
paulit-ulit na umiibig sa 'yo.

PS

wag kang mag-alala, sanay na akong masaktan sa 'yo. Manhid na ako di ba?

sa aking pagtanda

sa edad mo ngayon, nalaman mo na ba kung anong silbi mo sa mundo?

Tandang tanda ko pa,nagbubukang liwayway pa lamang ay nasa MIA na ako kasama ang kumpletong miyembro ng pamilya. Iyakan, yakapan at walang ubos na pagbibilin ang naging pabaon sa akin ng aking pamilya. Tumulak ako papuntang Singapore dala ang pag-asa na mag aahon sa aking pamilya sa kahirapan ng buhay.

Taong 1982, sa gubatan ng Bukit Timah nakatirik ang isang may kalakihan ngunit may kalumaang bahay. Ito ang tahanan ni Madam Cho kasama ang kanyang 3 mga anak at asawa. Mabait sila sa akin, itinuring nila ako na kapamilya. Naging saksi ako kung paano umunlad ang Singapore, mula sa lumang bahay, napalipat kami sa ChinaTown noong 1995. Umasenso ang pamilya Cho dahil sa pangangalakal ng iba't ibang tela galing sa China.

Gaya ng mga punong kahoy,yumabong ang kanilang negosyo. Nagsipag aral sa ibang bansa ang kanilang 3 anak at tanging si Madam Cho ang kanyang asawa at ako ang naiwan.Muli, lumipat kami sa mas de kalidad na bahay, isang bungalow ang ipinatayo ni Mr Cho sa Kembangan ang aming nilipatan.

Pumutok ang sakit na SARS, dito sinubukan ng panahon ang katatagan ng pamilya na aking nakasama sa may ilang taon na nagdaan. Namatay si Mr Cho, tanging ako lamang ang naging kaagapay ni Madam Cho dahil ayaw nya pabalikin ng Singapore ang kanyang mga anak sa takot sa epidemya na kumakalat.

2005, umuwi ako ng Pinas upang magbakasyon. napakalaki na ng ipinagbago sa aming lugar. Ang dating araruhan sa likod bahay, ngayon ay isang malaking Palengke na. Ang aming munting kubo, ngayon ay isang bungalow na, katabi ang mga bahay ng 2 ko pang kapatid na napapagtapos ko ng komersiyo at arkitektura.

Matay ko man isipin kung gaano kalaki ang nagawa kong kaginhawahan sa aking pamilya, masasabi ko pa rin na hindi ako masaya.

nag iisa lamang ako.

walang asawa, walang mga anak, walang kaagapay sa pagtanda...

Nagka edad ako sa paninilbihan sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang bukas ang aking mga kapatid at pamilya. Masagana na sila, hindi na nila kailangan pa ang tulong ko.

Tumulak ako pabalik ng Singapore. Gaya ng dati, tanging nakangiting mukha ng may edad na ring Madam Cho ang aking nabungaran sa may tarangkahan. Hindi daw nya akalain na magbabalik pa ako kaya't nagpakuha sya ng caregiver sa kakilalang Ahensya.

Nagkasakit si Madam Cho, ipinatawag nya ang kanyang mga anak, si Wei liang na nakabase sa Estados Unidos, si Au meng na sa Toronto na naninirahan at si Lay Chu na sa China namamalagi . Lahat sila ay nagsidating. Matapos ang may ilang araw, binawian ng buhay si Madam Cho.

At habang nasa harapan ako ng kanyang labi, napagmuni-muni ko kung ilang taon ko na nga ba sya kasama.

Mga bata pa lamang sina Wei Liang, Au meng at Lay Chu, ako pa noon ang taga pagpaligo sa likod bahay sa 3 makukulit na bata. Ngayon may kani-kaniya na silang pamilya. Sabay napatingin ako sa aking mga kamay, ang dating banat na mga balat, ngayon ay may mga kulubot na. Napahawak ako sa aking pisngi, ang dating makinis kong mukha, ngayon ay may mga kulubot na rin. Sign of age sabi nga ng anak ni Wei Liang. Doon ko nabilang, 27 taon akong nanilbihan sa pamilya Cho. Naging tagasilbi, kaibigan, kapamilya sa mga taong hindi ko aakalain na tatagalan ko ng mahigit sa 2 dekada.

Napatayo ako sa aking kinauupuan, sabay dungaw ko sa mga labi ni Madam Cho. Hindi ko na napigilan ang mga luhang namamalisbis mula sa aking mga mata. Ngayon na wala na si madam Cho, saan ko pa ilalagay ang aking sarili. Uuwi na lamang ba ako sa Pilipinas, makikisama sa mga kapatid at pamangkin ko, mag aalaga ng mga apo? Hindi ko na alam kung paano.

Makalipas ang 10 araw, magkakaharap kami sa mesa habang binabasa ng abugado ng pamilya ang mga huling habilin ni Madam Cho. Ipinamana sa kanyang mga anak ang ilang ari-arian, mga alahas at kagamitan sa bahay.Tanging isang maliit na kahon ang iniabot sa akin ni Wei Liang, kasama ang sobre na naglalaman ng aking ticket pabalik sa Pilipinas.

Sa loob ng aking silid, mataman kong pinag masdan ang kahon na iniwan ni Madam Cho. Naglalaman iyon ng mga litrato noong kami ay magkakasama pa. Mga litrato ng 27 taon kong paninilbihan sa kanila. At isang tarheta, na may nakalagay na Ahensya ng Home for the Aged.
Kalakip ng tarheta ay isang sulat kamay ni Madam Cho, "Please call after go back country"

Dala marahil ng kuryosidad,1 linggo pagkarating ko sa Pinas, nagpasya ako na puntahan na lamang ang nasabing ahensya. Doon ay nakilala ko si Teresa, isang Pinay na nagta trabaho bilang volunteer. Kilala nila ako, isa sa aking ikinamangha, sapagkat welcome na welcome ako sa kanila. Matapos akong mapapag meryenda at mailibot sa kanilang gusali, ay isinama ako ni Teresa at 1 staff sa isang kwarto. Napakagara ng kwarto na iyon, kumpleto sa gamit, mula sa banyo hanggang sa mga cabinet. At sa aking pagka gulat ay nakita ko sa ibabaw ng mesita ang aking larawan kasama si Madam Cho.

"Ipinatayo po ni Madam Cho ang gusaling ito sa pag-alala sa inyo. Ang kwartong ito ay sadyang naka reserba sa inyo,isa po kayo sa mga magpapalakad ng institusyon na ito, ang mga anak ni Madam Cho na po ang bahalang magsabi sa inyo ng mga detalye."

At ngayon, sa may ilang buwan na ipinamalagi ko sa institusyon na ito, masasabi kong nagkaroon din pala ng silbi ang 27 taon na paninilbihan ko. Wala man akong pamilya, pero may mga tao na handang umalalay at gumabay sa akin hanggang sa pagtanda ko. Kasama ko silang magpapatakbo at kakalinga sa mga matatanda na kababayan ko.

Jul 27, 2009

sama ng loob

tumawag ka pala, sayang hindi ko agad nasagot.
kung bakit ba naman kase sa dinami-dami ng pagkakataon na tatawag ka
kung kelan nasa kubeta ako, saka ka pa nakaisip.

kelan ka ba dumating sa Pinas at mukhang bago na naman ang number mo
huling uwi mo, hindi ito ang numero na gamit mo. hay...pakelam ko ba sa 'yo
iba na talaga pag asensado, 3 times a year kung magbakasyon.
ikaw na talaga ang mayaman.

dati rati kapag umuuwi ka,sinasabihan mo ang mga taga atin na wag ipapaalam sa akin na dumating ka na
eh bakit kaya ngayon may 3 missed call ka bukod pa ang 1 sms message na "natawag ako kanina pa"
kung bakit ba naman kase nakakain pa ko ng adobong pusit, ayan tuloy tyan ko palaging sumasakit.
once in a lifetime ka na nga lang makaalala, pinalampas ko pa.

di ko tuloy mapigilan ang utak ko,
umiikot kung ano ang dahilan ng pagtawag mo.
mangungumusta ka lang ba talaga, mang-aasar na andyan ka andito ako.
magyayaya na umuwi na ako, o baka naman makikipagbalikan ka na?
hayyyy...nakaka intriga ka talaga.

pindutin ko na ba ang callback button?
ano sasabihin ko pag nag hello ka na?
eh kung i miss call na lang din kaya kita
paano naman kung imortante pala talaga ang sasabihin mo
grabe kinikilig naman ako...baka eto na ang sinasabi nilang love is sweeter the second time around.

bahala na nga, dahil pinakilig mo ako ngayon eto na talaga final decision ko:

"Hello, o ba't napatawag ka. Kelan ka pa umuwi, musta ka naman?" walang patid na bungad ko pagsagot mo ng telepono.

"Lynn, ipapaalam ko lang sana, lumabas na decision ng korte. Annulled na ang kasal natin..."

sabay sa pagsambit mo sa mga huling salita, sumakit muli ang tyan ko.

Kubeta na lang ang katapat mo sa akin. Isa kang sama ng loob na dapat ng ilabas at tuluyang i flush para kalimutan. Sayang lang ang kilig na nadama ko kanina. sana hindi na lang ako lumabas ng kubeta, sana hindi ko na lang nakita ang missed call mo.

at sana, tigilan ko na ang umasa pa.

Jul 11, 2009

baliw na pag-ibig

masama ba ang umasa?

araw-araw na lang pagkakagising ko, ikaw na agad naiisip ko
kumain ka na ba, pumasok ka na ba? off day mo ba ngayon?
sabay abot sa celphone ko at titingnan kung may message ka or miss call man lang.

at gaya ng dati, wala.

dahil hindi makatiis ang mga daliri ko, kinakati kapag di kita naite text
"morning, musta naman ang araw mo?" pero asussual, maghihintay na naman ako ng 10 years
para lang sa reply mo. na kalimitan namang hindi nangyayari.

ewan ko ba,sa dinami dami ng lalake sa mundo sa 'yo pa ako nahulog.
love is blind, totoo ito, kase hanggang ngayon hindi mo ako nakikita.
tanga daw ako sabi ng hausmate ko, inaamin ko naman na OO.
kundi ba naman ako gaga, bakit pa kita hinahabol.

mahirap ipaliwanag, pero andito na ito eh.
gusto kitang isuko, pero ang tarantado kong puso ang kulit.
sinubukan kong ibaling sa iba ang feelings ko sa 'yo
pero habang tumatagal, lalu lang tumitindi ang pananabik ko na makita kang muli.


baliw na ba ako?

siguro OO.

kundi ba naman ako loka, bakit ako bumigay sa isang tulad mo.
walang ligawan na nangyari, ni wala ngang formal date man lang.
nakuha natin sa biro, sa text message, sa dare devil na paraan.
pagkatapos nun, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahimlay sa mga bisig mo.

lunod sa nararamdaman, hindi alintana ang kahihinatnan.
kilala na ba kita? ewan ko...hindi na iyon mahalaga.
ang importante ay nagbigay ako sa 'yo ng buo at walang pag aalinlangan.
may pagmamahalan ba na namagitan? hindi ko na kailangan sagutin yan.

dahil ngayon ay wala ka na, hindi na kita matagpuan.

kung hanggang kailan ako aasa...hindi ko pa alam.


*****

alam ko narito ka lamang, nasa malapit lang.
baka kung kailan naipikit ko na ang aking mga mata, saka ka naman magparamdam.

==

Jul 8, 2009

remember me

remember me when i am gone
gone far away into the silent land
where you can no more hold me by the hand

nor i halfway to go
yet turning stay
only remember me when no more day by day

you tell me of our future that you've planned,
only remember me... you understand

avestige of the thoughts that once i had
better by far you forget and smile
than that you remember and be sad

***

Jun 30, 2009

hiling sa mga bituin

sabi nila, pag may hiling ka at gusto mo itong matupad

tumingala ka lang sa langit, maghintay ng babagsak na bituin

sabay sambitin ang iyong hiling



ganito palagi ang ginagawa ko simula noon pa

ilang taon na ba akong humihiling?

1...2....halos 5 taon na rin pala, hindi ko na nga mabilang kung ilang bituin ang nalaglag sa langit at nagawan ko ng wish.



siguro kung pagsasama-samahin ko lahat ang mga yun, malamang gunaw na ang singapore sa dami, meteorite na siguro sa laki

pag binuo ang maliliit na bato na nalaglag mula sa kalangitan at hinilingan ko.



tinanong mo ko minsan kung ano pa ba ang hinihiling ko

sabi mo nga nasa akin na ang lahat,



career

pera

kilala sa lipunan

maayos na buhay

mga kaibigan



na kayang-kaya ko marating saan mang lugar na naisin ko, at kaya kong bilhin anuman na naisin ko.





tumalikod na lang ako nung banggitin mo lahat ng mga ito.





dahil lahat ng mga iyan ay walang halaga, kung wala rin lang sa buhay ko ang



isang katulad MO.



**



alam ko hindi mo narinig yung ibinulong ko. Manhid ka.





++++

Jun 23, 2009

kalayaan ng isang hibang

sabi ng marami, kung gaano kabilis nagkaroon kayo ng relasyon, ganun din kabilis matatapos ito.

hindi naman ako mapag paniwala sa mga sabi-sabi.
tama na sa akin ang motto ko na "what you feel is what you get"
pero nung nakilala kita, na iba yata ito.

matagal na kitang pinapantasya, di ko pinapalampas ang mga laro mo ng basketball
kahit na taga jurong east ako, dumadayo pa ako sa sengkang mapanood lang kita. tama na sa akin ang ngitian mo ako
busog na ako nun, kahit hindi mo ko lapitan, ok na sa akin ang kawayan mo ako. mahimbing na akong makakatulog nun.

parang sa fairytale, ikaw ang aking knight in shinning armor.

at sabi nga nila, pag may pangarap. may minimithi.
nagulat na lang ako 1 araw ng bigla kang tumabi sa akin sa upuan.
kulang na lang malaglag ang panga ko, ang bangu-bango ng perfume mo, aqua de gio.
sabi mo hiinihintay mo ang barkada mo, siguro naiinip ka, kaya't nakipag kwentuhan ka sa akin. maya-maya lang nagpalitan na tayo ng numero.

daig ko pa ang nasa cloud nine, kung pwede nga lang wag ng dumating ang hinihintay mo, para di muna matapos ang aking pag dedeliryo.
at bago ka tumayo para iwan ako, tinapik mo pa ang balikat ko,
feeling mo naman close na tayo.
pero infairness, kinikilig talaga ako!

few months have passed, hindi na kita nakita. busy ka na siguro sa work mo.
ako naman hanggang ngayon tinatago tago ko pa rin dito sa inbox ko ang message mo na "nice talking with you" . ang una at huling sms na nanggaling sa 'yo.

at sa dinami-dami ng lugar kung saan kita makikita, dun sa Novena Church pa. Pakiramdam ko tuloy, para talaga tayo sa isa't isa. At muli, kinawayan mo ako, nilapitan naman kita. Sabay napa sign of the cross ako, nasa simbahan nga pala tayo, anu ka ba.

hindi ko na alam kung ano mga sumunod na pangyayari, basta nagising na lang ako isang araw, andyan ka na sa aking tabi. hawak ang mga kamay ko, bumubulong ng kung anu-ano na nagpapa hibang sa talanding puso ko.
ayoko ng matapos ang mga sandali...ayokong bumitaw.

at gaya ng mga panaginip, kailangan kong gumising.

bigla ka na naman nawala. hinanap kita, ipinag tanong.
pati mga kalaro mo sa basketball hindi alam kung ano ang isasagot sa akin.
naghintay ako ng ilang linggo..naging buwan...hanggang maka 1 taon.

andun ka lang pala sa may Yishun ngayon. Kasama ang pamilya mo. kasama ang mga anak mo. kung masaya kayo, hindi ko na kailangan alamin yun.

at ngayon, habang pinag mamasdan kita dito sa may yishun...kinakalas ko na rin unti-unti ang tanikalang ako mismo ang naglagay sa leeg ko para sana hilahin mo saan ka man patutungo.

salamat...nagising ako sa bangungot.

ngayon, mayroon na akong kalayaan.


****

Jun 21, 2009

bakla ang tatay ko

naranasan mo na bang makipag suntukan sa eskwelahan?
makipag sipaan at manulak sa kanal,
eh yung makipag sumbian sa mga taong kasunod mo sa paglalakad?

lahat yata iyan ay dinanas ko na, naroon na ipatawag ako ng principal namin dahil sa pakikipag-away ko sa mga kaklase ko. minsan ipina baranggay na nga ako, sa murang edad na 15 anyos, naranasan ko na ang mabitbit ng pulis sa presinto dahil sa pakikipag suntukan ko.

sino ba naman hindi iinit palagi ang ulo, kapag sinabihan ka na BAKLA ANG TATAY MO.

bata pa lang ako, kinamulatan ko nang si tatay ang nag-aalaga sa akin. hindi ko na naabutan o natatandaan ang mukha ni Inay. Laging kwento ni tatay, si Inay daw ay maganda. Kaya ayun naging mag asawa sila na maaga. Tanan daw sila, pero pagkasilang sa akin, binawian din daw agad ng buhay si Inay. kaya ayun, sya na ang kinamulatan ko na nag aaruga sa akin.

Mula ng pumasok ako sa eskwelahan, si tatay ang nag iisang nagpaaral sa akin. mahirap lang kami, walang regular na trabaho si tatay. minsan sinusundo sya ng taga kabilang baryo, may magpapagupit daw. Ang bayan namin ay isa sa mga nakalimutan na yata ng gobyerno na kasama pa pala sa mapa ng Pilipinas. Puro baku-bako ang kalsada, nakatikim lang ng buldozer ang aming nayon nung kumandidato si Ka Ensoy, yung nag aaryendo ng mga lupa sa amin at mga patanim. pero nung matalo si ka Ensoy, napatigil na rin ang mga pagbabago sa aming bayan. balik alikabukan na ulit ang kalsada.

tandang tanda ko pa, grade six ako noon, nakipag sumbian ako sa kaklase ko. dugo nga ang ilong nya sa lakas ng suntok ko. Sinabi ba naman na bakla daw ang tatay ko, ayun binigyan ko tuloy ng isang madilim sa ilong. buti nga hindi black eye. Kaya naman muntikan na akong hindi maka graduate ng elementarya, ipinatawag ba naman ako ng prinsipal.

high school na ako noong medyo tumino ang buhay ko, pumisan kase kami ni tatay sa mga tyahin ko. dun sa kapatid nya sa bagong bayan. mababait naman sila tiya. Iniiwan ako doon ni tatay at lingguhan kung umuwi. May trabaho daw kase na nakuha sa maynila at mahirap kung 2 kami doon na maninirahan. magkano nga ba naman ang iuupa nya sa bahay kung isasama nya pa ako.

wala na sana akong balak mag kolehiyo, pero mapilit si tatay, may inimpok daw sya para sa pag eenrol ko, gusto ko talaga maging Inhinyero, pero mukhang di kakayanin ng utak ko. Magaling akong mag drawing, kaya kong bigyan ng buhay ang mga nababasa ko sa komiks, pero hindi daw makabubuhay ng pamilya ang trabaho na ganoon. pero dahil sa mapilit, graphics designing parin ang kinuha ko.

hindi ko alam kung paano ako nasusustentuhan ni tatay, basta ang alam ko, linggu- linggo may baon na binibigay si tatay. medyo pumapayat sya, pero makikita mo sa mukha nya ang pagiging masaya.

hanggang sa dumating ang araw ng aking pagtatapos. syempre si tatay ang pinaka mahalaga kong bisita. Ipinakilala ko sya sa mga kaklase at professor ko. at sa hindi ko inaasahang tagpo, kakilala pa pala ng adviser ko si tatay.

at doon ko nakita kung paano sila mag BESO-BESO. Matandang bakla ang professor ko, at sa nakikita ko sa kanila ni tatay, close sila nito.

hindi ko na tinapos ang ceremony, umuwi na agad ako. Masama ang loob ko sa tatay ko. Naisip ko ang mga panahon noong bata pa ako kung paano ako makipag suntukan kapag sinasabi nila na bakla ang tatay ko. Ipinagtatanggol ko sya kahit kanino dahil alam kong hindi totoo ang sinasabi nila.

Nagpunta ako ng Maynila, hinanap ko ang kapalaran ko. at sa kahabaan ng quezon avenue, nakita ko ang malahiganteng larawan ng tatay ko kasama ang isa sa pinaka prominenteng artista ng dekada 80.

Sya pala ang make-up artist ng akres na ito. Sya pala ang tanyag na arkitekto ng mukha ng mga iniidolo ko, na sa pabalat lamang ng notebook ko nakikita. sa kabila pala ng mga ngiti at ganda ng mga ito, ay si tatay pala ang arkitekto.

Kinabukasan, umuwi ako sa bagong bayan. Hinabol ko si tatay. Humingi ako ng tawad sa naging asal ko. Niyaya ko sya na bumalik sa dati naming bayan.
Pumayag naman si tatay, madalaw man lang daw ang dati naming bahay.


At habang nasa kalsada kami,nakita ko ang mga dating kaklase ko. nakatingin sa amin habang naglalakad, inakbayan ko sya na may pagmamalaki, nagtitinginan ang mga tao sa amin at sa harap nila ay isinigaw ko: "OO, sya ang baklang TATAY ko"

***

Jun 16, 2009

minsan hindi ako naka maskara

“grabe salamat talaga, kahit kalian napaka supportive mo sa akin. Di kami magkakabati ni Joan kundi dahil sa ‘yo”

Ilang beses ka na ba nagpasalamat sa akin? Hindi ko na ata mabilang. Gaya ngayon, nagkabati na naman kayo ni Joan kaya puro salamat na lang lumalabas sa bibig mo.

“oo na, hanggang salamat ka lang naman. Dami mo na utang”

Pabirong sagot ko sa ‘yo.

Ilang taon na nga ba tayong magkaibigan? 3 or 5 ? Hindi ko na matandaan, basta ang alam ko, simula ng dumating ako dito sa Singapore, naging magkaibigan na tayo.

“pano, una na ako ha. Salamat ulit”

Aalis ka na, parang ayoko munang mamaalam ka. Kung pipigilan naman kita, late ka malamang sa usapan nyo ni Joan.

“saglit, maya-maya naman ng konti. Ubusin ko lang iniinom ko” sinabi ko lang ito para magtagal pa ang pag uusap natin. Delaying tactics ika nga.

“anong oras pa yan matatapos eh ang bagal mo, sige na, kita na lang tayo ulit bukas. Salamat ulit ha” Sabay yakap mo sa akin.

Parang huminto ang mundo, at sa hindi ko namalayang paglipad ng utak ko, naibaon ko na pala ang mukha ko sa dibdib mo.

Nagtatanong ang mga mata mo. May hinahanap na paliwanag sa nagawa ko.

“pasensya ka na, minsan kase hindi ako naka maskara” paliwanag ko sa ‘yo.

At nagulat ka, napalayo. Sabay talikod mo sa akin.


“mauna na ako, salamat ulit Bes.”

At hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Hanggang kailan ako magiging ganito.

At muli isinuot ko ang maskara sa katauhan ko.

“Sige bes, ingat kayo ni Joan”

Talagang napaka ipokrita ko.
Dahil sa manhid na taong gaya mo.


****

Jun 9, 2009

ang aking ITAY

Sa umaga bago pa tumilaok ang mga manok na alaga ni mang bestre, gising na si itay. Nagluluto ng kape, habang naghahanda ng aming almusal. Nag aaral ang 3 kong mga kapatid. 2 elementarya at 1 high school.

Madalas ginagabi si itay ng uwi, sanay na kaming magkakapatid sa kanya. kinamulatan ko na ang gawi nya, aalis ng maaga bago magbukang liwayway, uuwi ng hatinggabi kung kailan nahihimlay na ang lahat.

Madalas kong tanungin si itay kung saan ba sya nagtutungo, ke aga-agang umalis tapos hatinggabi kung uuwi. Ngingitian nya lang ako, sabay iaabot sa akin ang napamili nya na pagkain namin para sa kinabukasan.

Wag nyo ng itanong kung asan si Inay, namayapa na sya nung ipanganak si bunso. Suhi kase ang bunso kong kapatid nung ipanganak, dahil may kakulangan sa pera, sa hilot lang dinala si inay. hindi nakayanan kaya’t ayun, nalagutan ng hininga.

Mahirap mabuhay ng walang ina, salamat na lamang at andyan si itay. Hindi man kami mayaman, pero hindi pa namin naranasan sumala sa oras ng pagkain.

1992 noon, nagpasya akong magpatuloy ng kolehiyo,pinalad naman ako na makapasa sa UPCAT. Bonus pa, mabibigyan daw ako ng scholarship. hinintay ko talaga si itay na umuwi para lang masabi ang balita ko. Noong una napatulala sya, hanggang mapangiti. Masaya sya dahil may pangarap daw ako sa buhay. Pero wala kaming pambayad sa miscellaneous fees sa eskwelahan kahit sa mga libro man lamang. Sabay tinalikuran na nya ako.

Kinaumagahan, hindi ko na binanggit kay itay ang plano ko. Nagpunta na lamang ako sa kapatid ni Inay sa may Pateros. Nakakariwasa kahit papaano ang tyahin ko palibhasa ay seaman si tiyo arman.

Sinabi ko sa kanya ang balak ko, at imbes na pahiramin ako ng pera, dinaingan pa ako nito na madami daw sya pautang at hindi pa nasisingil. Umuwi ako na lulugo lugo. Abot kamay na ang pag-asa pero nawala pa. Siguro talagang ganoon ang buhay.

Nagulat na lamang ako pag uwi ko, andun na si itay. Masayang Masaya ito, may bagong trabaho daw sya na nakuha at binigyan agad sya ng advance pay para maipang gastos ko sa enrollment. Ganoon na lamang ang iyak ko, matutupad na rin sa wakas ang pangarap namin.

Mas lalu pang maaga kung umalis si itay, kung dati ala 5 ng umaga, ngayon alas kwatro pa lamang nakaalis na sya. Umuuwi ng alas onse ng gabi. Pero hindi ko sya kinakitaan ng pagod. Palaging nakangiti at animo’y hindi iniinda ang pagod. Ako naman ay nagpart time student assistant para may dagdag pantustos sa aking pag-aaral.

Makalipas ang 4 na taon, nakapagtapos ako ng Agri Business. Noon ko lamang naranasan maging Masaya. Si itay, ang 3 kong mga kapatid maging ang aming mga kapitbahay nakisaya na rin.

2 buwan matapos ang graduation, tumulak na ako papuntang New Zealand, natanggap ako bilang tagapangasiwa ng 1 sa pinakamalaking rancho na kinukunan ng supply ng gatas sa buong mundo.

Makalipas ang 1 taon, umuwi ako sa Pilipinas upang ayusin ang papeles nina itay. At gaya ng dati, gabing-gabi parin umuwi si itay. Noon ako na curious kung saan at ano ba talaga ang trabaho niya, kaya’t sinundan ko si itay kinabukasan ng madaling araw kung saan sya patutungo.

At sa Pier 4, doon ko nasaksihan kung paano kami binuhay ni itay. Ang pagtutulak at pagkakarga ng mga ibinababa ng malalaking barko ang kanya palang pinagkukunan ng pambili ng aming pagkain at ipinagpatapos nya ng pag aaral sa akin.

Mula sa likuran ng mga kargamento ay hindi ko na napigilan ang aking sarili, tinakbo ko na si itay sabay hila sa kanya upang umuwi na sa bahay. Nagugulat man ngunit alam kong naiintindihan nya kung bakit kailangan na niyang iwan ang trabaho na iyon.

Syanga pala, si itay ay isang LUMPO. Nakaupo sya sa isang kareta at may hinihila syang kariton para paglagyan ng mga kargamento na inililipat mula sa mga barko patungo sa bodega.

Sa ngayon ay kasama ko na sina itay at ang 3 kong kapatid, maayos ng namumuhay kahit medyo palaging tag lamig.

Hindi na sya nakaupo sa kareta, naka wheelchair na sya.


***

Jun 7, 2009

naranasan mo na ba?

naranasan mo na ba ang umasa?

college pa lang ako, ilang beses na ko nagkaroon ng relationship. ayun, puro failure.
sabi ng mga kapitbahay namin na matatanda sa akin, natural lang daw yun, kase bata pa ako.
Edad 18, naglandi na ako.
o, ba't ganyan ka makatingin? nagsasabi lang ako ng totoo, ayokong maging ipokrita okay?
napasok ko ang mundo ng pagiging isang kolehiyala. masaya, mahirap...malungkot.

sino ba naman ang hindi malulungkot nun, ang bf ko nung high school ako, inakala kong knight in shinning armor,
ang hudas. may ibang GF pala. taga kabilang University lang, kakainis di ba.
Dahil naging bf ko nga sya nung high school, naniwala ako sa palabas sa tv, na hanggat walang clossure, it means kayo parin.
at naniwala naman ako, umasa.
may time pa nga na hinahabol-habol ko sya. hanggang isang umaga nagising na lang ako, hindi ko na sya mahal.
dun ko nakita ang sama ng ugali nya, na pati allowance ko inuutang nya mai date nya lang ang iba. ang jologs ko di ba?
minsan umutang sa akin ng 100 pesos, may babayadan daw emergency, nahuli ko ipinambili ng "bato" ayun iniwanan ko na.

3rd year college ako, na meet ko yung taga Adamson. gwapo sya, engineering ang course, bagay kami kumbaga.
nakailan lang nood ng sine at hayun, bumigay na naman ang bruhilda. ano ba naman magiging laban ng isang nagmamahal? wala di ba.
after few months, matapos magsawa sa relationship namin, nabalitaan ko na lang, may idini date ng iba. asa pa ba ako? naku..hindi na.

may ilang buwan din ang lumipas, wala akong bf, parang nadala na kase ako. hanggang maging graduating ako.
nakilala ko si Roy, isa na namang engineering student, ewan ko ba, ang hilig ko talaga sa inhinyero, masyado kase silang macho.
after 1 week, sinagot ko sya, ayoko na kayang pakawalan, hirap maka hook ng gwapo nung panahon na yun ata.
makalipas lang ang ilang araw, nalaman ko, BADING pala sya. ginamit lang akong front ng walangya.
simula nun, pinangako ko na sa sarili ko, mag iingat na talaga ako. mahirap ng magkamali. maging bitter ba naman ang hitad, o di ba.

at eto nga, after 5 long years, nakilala ko si Vinz. isang volunteer.
hindi sya ganun kagwapo, pero may dating sya. may tono ang boses, na kapag nagsalita parang hinehele ka sa alapaap.
naramdaman mo na ba yung kapag kausap mo ang isang tao, wala ka ng magawa kundi tumango, ngumiti at ngumiti na lang ng ngumiti.
mukhang nahihibang na ewan.
yun, ganun ang naramdaman ko sa kanya. feeling ko ang espesyal ko kapag kasama sya.
ikaw na ba naman yung ipaghila pa ng upuan kapag kakain kayo, hahawakan ka pa sa siko para maupo at makatayo.
kilig to the bones talaga !
Infairnez, napagbago nya ako talaga. di na ako mahilig magmura, nawala na rin yung pagiging bitter ko.

kalimitan sinusundo nya ako sa work, sabay papakainin sa labas.yung tipong ayaw nyo na magkaroon ng bukas kase uuwi kayo sa kanya-kanyang flat.
nood ng sine, pasyal, para nga atang nabaybay na namin lahat ng meron rebulto si merlion.
lahat ng park dito sa singapore, napuntahan na namin, pati nga pulau tekong di namin pinatawad,at nilarga din.
kaya lang bakit ganun, parang meron parin kulang...
hindi ko maramdaman yung kilig at saya na hinahanap ng puso ko.
di ba sabi nila, kapag para kayo sa isa't-isa, may kung anong bundol lagi sa dibdib mo, yun bang kaba ng kaba.
eh ba't ganun, absent ata sa akin ang feeling na kakaba-kaba.

siguro, nasobrahan lang ako sa pinaparamdam ni Vinz sa akin, kakaiba kase sya magmahal.
hindi lang sa mga advices magaling magbigay, hindi lang sa pagiging gentleman,kundi sa pagbibigay sa akin ng pag galang.
pag galang na hindi ko naramdaman sa mga past relationships ko.

umuwi sya last month ng Pinas. Fiesta kase sa kanila. Toxic sa hospital, di ako pwede mag file ng leave.
di bale 2 weeks lang naman sya. lagi naman kami magkausap sa phone, at kalimitan nga, magka chat pa.
panay ang bilin at pangaral nya, nagmumukha na tuloy tatay ko sya. ano ba naman yung pati pagdadasal pagkagising at bago matulog ipaalala pa.

at kanina lang nga, pag open ko ng mailbox ko, meron akong nabasa.

dear jen,

mahal kita kaya't ginagawa ko ang lahat ng sa alam ko ay ikabubuti mo.
wag kang malulungkot sakaling hindi muna tayo magkita. minsan may mga bagay na kailangan natin
gawin para sa ikabubuti ng marami, tatandaan mo palagi ang mga payo ko sa 'yo.
wag kang magtatanim ng galit dyan sa dibdib mo, tandaan mo, iisa lamang ang buhay ng tao.
kung ano ang sa palagay mo ay makakapagpasaya sa 'yo, ituloy mo.
natutuwa ako at ika'y nakita kong nagbago.

nagmamahal,

Vinz


PS

Ordinasyon ko na sa linggo, salamat sa pagtuturo mo sa akin ng daan tungo sa paraiso.


aray! Seminarista pala sya.
aasa pa ba ako na magiging kami pa?

malamang hindi na...



***

May 27, 2009

sakaling mawala ako

sakali't mawala ako sa piling mo, wag kang malulungkot.
isipin mo lang na ang buhay ng tao ay parang araw, kailangan din ang paglubog.

kung dumating ang panahon na mag krus muli ang ating landas, wag mo sana akong isnabin.
masasaktan ako, alam mo naman na ako'y matampuhin.
kapag nakita mo ako, kahit ngiti man lang sana'y iyong igawad sa akin.
sapat na sa iyon para maramdaman na ako'y kilala mo pa rin.
wag kang mag-alala, kapag may kasama kang iba, sisimple lang ako. hindi kita guguluhin.

wag kang malulungkot pag nawala na ako , balik tanawin mo na lamang ang mga panahon na pinaiinit ko ang iyong ulo.
mga panahon na kinukulit kita, inaaway at minsan pa nga ay pinalalayas. sa ganoong paraan ay mawawala ang pagka miss mo sa akin.
wag mong kakalimutan... ang lagi kong sambit, isa kang espesyal sa akin.

wag kang gagaya sa ibang tao dyan, nawalan lang ng mahal sa buhay akala mo palaging mang-aaway.
gusto kong ipakita mo sa kanila na nagmu-move on ka. na hindi mo ako kawalan.
wag kang pupunta sa TP, mauubos ang iyong pera.
Lalu na sa geylang, baka magkasakit ka pa.
mas mabuti pa ay magsimba ka, ipanalangin mo na sana'y gabayan ka NIYA para sa panibagong bukas
na kakaharapin mo pa. tandaan mo sa teleserye lang ang drama.




kapag naalala mo ako at parang sa pakiramdam mo ay gusto mo akong makita at maramdaman,
pumunta ka lang sa mga lugar na ating pinapasyalan lagi.
sa lucky plaza, sa sentosa at kay merlion sa may fullerton. para mo na rin nakikinita na ako'y nandyan parin.
wag mong ilugmok ang sarili mo, hindi mo dapat ako maging kawalan.
maging matatag ka at ipakita sa sarili mo na kaya mo ang lahat.




wag mong titikisin ang sarili mo at dudurugin ang iyong pagkatao. bumangon ka at harapin ang panibagong buhay.
mag asawa ka, humanap ka ng babae na magmamahal sa iyo ng lubos. yung hindi ka iiwan hanggang sa pagtanda mo.
at sakaling matagpuan mo sya, hiling ko lang ay wag kang makalimot na i kwento ako sa kanya. kung anong klase ng pinagsamahan meron tayong dalawa.
wag mo rin kakalimutan ang aking pamilya, hindi ka man naging parte ng pamilya ko, itinuring ka naman nila na hindi iba.
patuloy kang maging malapit sa mga mahal ko sa buhay, ng sa ganoon ay para mo na rin akong nakakasama.

kung sakali man na ika'y matanda na at ako'y naaalala mo pa, ipikit mo lang ang iyong mga mata.
damhin mo ang hangin na humahaplos sa iyong katawan,
sigurado ko sa 'iyo, ako'y nariyan lamang sa iyong tabi. hindi kita basta iiwan.
at kapag dumating na ang araw kung saan ikaw ay maari ng mamahinga,
wag kang mag-alala. gagabayan kita. kung paanong ako'y iyong inakay noong ako'y nasa kawalan,
gayon din kita sasabayan. haharapin natin ang liwanag, at doon...sa dako roon, ang minsang pag-ibig na
hindi natin naisakatuparan ay bibigyan natin ng katugunan.

sakali't mawala ako at hindi ko masabi sa iyo ang lahat ng ito, ipikit mo lang ang mga mata mo, at sa gitna ng dilim na iyong nakikita, lilitaw ang isang AKO.

May 3, 2009

minsan may isang INA

nay,

alam kong magugulat ka sa liham na ito. sino ba naman ang mag-aakala na susulatan pa kita.
nakita ko kase ang mga lumang litrato sa aparador nina lola, at isa-isa kong binuklat ang bawat pahina.

tama nga si lola, ikaw ang isa sa pinaka magandang dilag sa ating lugar noong kabataan mo pa.
maganda ang hubog ng iyong katawan, maganda ang iyong mukha, siguro nga, sa 'yo ako nagmana.
o, wag ka ng kumontra, nakikini-kinita ko na naman ang pagtaas ng kilay at pag singkit ng iyong mga mata.

hindi nakakapagtaka kung bakit marami ang nanligaw sa 'yo, maganda ka kase.
kwento nga ni lola, lagi ka daw inaakyat ng ligaw ng mga taga kabilang ibayo.

nagtatanong ang aking mga mata, kung marami kang manlilgaw dati, bakit lumaki ako na walang ama?
at gaya ng dati, hindi ko na kailangang i memorize ang sagot dyan, dahil paliwanag mo nga, kailanman ay wag na natin pag usapan
ang bagay na nakakapag paalala ng mapait na nakaraan.

sino ba naman ang gugustuhing maalala ang kanyang nakaraan lalu na't ito'y puno ng kadiliman.
ipinanganak akong walang ama, isa kang disgrasyada. isa kang biktima.
hinalay ka noong nag-aaral ka ng kolehiyo. walang makapagsabi kung ilan sila o kung sino.
ang huling natatandaan mo lamang, may humila sa 'yo sa daan papuntang bahay na inuupahan mo.

gustuhin mo mang mag demanda, hindi mo naman kilala sila kung sino.
wala kang lakas ng loob harapin ang lahat na mag-isa, maging sina lola walang nagawa para sa 'yo.
mahirap hanapin ang mga taong lumapastangan sa 'yo, gang member's nga sila di ba sabi mo.

doon na nagsimula ang bangungot sa buhay mo.
hindi ka na nakatapos sa pag-aaral. natakot ka ng makihalubilo sa mga tao.
natakot ka ng humarap sa mga nanliligaw sa 'yo. natakot ka ng mabuhay sa mundo.
ngunit sadyang mapaglaro sa 'yo ang tadhana, at ibinigay ako ng Diyos sa iyo.

marami ang nagpayo sa 'yo na ipalaglag na lamang ako.
na walang kwenta ang buhay mo kung itutuloy mong ipagbuntis ako.
na walang lalake ang magkakagusto pa sa 'yo kapag isinilang mo ako dahil magiging tagapag paalala
lamang ako ng madilim mong nakaraan.

ilang beses ka nga ba ipinahilot ng mga tyahin mo para lang malaglag ako?
saan saan ka nga ba pinapaghakot ng timba-timbang tubig ng mga kapatid mo para lang maagas ako
nakailang cortal at ilang galon nga ba ng katas ng makabuhay ang nainom mo mawala lamang ako
at nakailang ulit ka nga bang nangumpisal para sa lahat ng mga nagawa mo.

sabi mo nga, ako ang naging dahilan kung bakit lumaban kang mabuhay sa mundo.
ako ang naging daan upang lumabas ka sa dilim ng kahapon at humarap sa liwanag na dala ng bukas.
ako ang nagbalik ng sigla sa buhay mo, ang nagbigay kulay sa bagong mundo mo.
ipinaglaban mo na mabuhay ako. kahit kapalit nito ay kahihiyan para sa pamilya mo.

lumaki ako na ikaw ang kaagapay ko.
tanging haplos ng mga kamay mo ang nakakapag patimo sa mga luhang pumapatak ula sa mga mata ko.
ang bisig mo ang nagsilbing tanggulan ko kapag ako'y natatakot.
ang mga yakap mo ang nagpapahiwatig ng pagmamahal na kailanman ay hindi ko mahihingi sa ibang tao.

halos gawin mong araw ang gabi, maigapang lamang ang pag-aaral ko.
hindi mo binigyang lugar ang pansarili mong kaligayahan, ang mahalaga lamang para sa 'yo ay ang makitang masaya ako.
nakapagtapos ako ng kolehiyo na ikaw lamang ang naging kaagapay ko.
kelanman ay hindi kita nakitaan ng panghihina. lagi kang masaya.

tulad ng mga nasa litrato sa lumang aparador ni lola, ganoong ngiti ang nabungaran ko ng ibalita ko sa 'yo na may trabaho na ako.
naaalala mo pa ba ang unang buwan ng pagta trabaho ko, unang araw pa lang inililista ko na ang mga balak kong bilhin pagdating ng
unang sweldo ko. mga pampaganda, damit, sapatos, pabango. sabi mo nga baka sa haba ng listahan ko malamang kulang pa ang sasahudin ko.
tinatanong kita kung ano ang gusto mo, siguro nahihiya ka lang, kase wala kang isinagot. tinalikuran mo lang ako.

at ng mahawakan ko na ang unang sweldo ko, inisa isa ko ang listahan ko.
bigla kang lumitaw sa alaala ko.
umuwi agad ako ng bahay, nasa kusina ka noon, nagluluto.nagulat ka pa nga at nagtaka bakit maaga ako.
akala mo magsa shopping ako. nagulat ka ng iabot ko sa yo ang sweldo ko, buong-buo. sabay niyakap kita.
alam ko kase, hindi sapat ang sweldo ko para ipambayad sa mga utang ko sa 'yo. mula ng pagpasyahan mong isilang ako sa mundo.
napaka sayang tagpo natin iyon na kailanman ay hindi ko malilimutan.

kinabukasan, sinundo kita sa bahay upang ipasyal.namili tayo ng ilang damit mo, ilang gamit mo at mga kailangan natin sa bahay.
Nang walang anu-ano,nabangga ang FX na ating sinasakyan. hindi ko na alam ang nangyari. nagising na lamang ako na si lola ang nasa aking tabi.
lumipas pa ang ilang araw, hinanap kita. sabi ni lola saka ko na lamang daw ikaw puntahan kapag maayos na ang aking kalagayan. ok ka lang daw. namamahinga.

paglabas ko ng ospital, hiniling ko kina lola na makita ka. tumango naman sila.
at sa sementeryo nila ako dinala.ikinwento nila ang mga pangyayari, halos 4 na linggo akong walang malay.
Ng maaksidente tayo, naging malubha ang mga pinsala mo. natagpuan nila ang katawan natin sa loob ng fx, yakap mo ako
habang ang likuran mo ay nadadaganan ng bus na nakabanggaan ng sinasakyan natin. dahil sa yakap mo, ito ang naging proteksyon upang hindi maging
malubha ang mga pinsala ko. tanging mata ko lamang ang nagkaroon ng malaking pinsala. tinamaan ng mga basag na bubog at nabulag.
buhay pa tayo ng dalhin sa ospital at nakailang araw pa tayong inoobserbahan, dahil wala akong malay, sa lahat, sina lola ang nakakausap mo.
2 araw ka lamang nanatili sa ospital at binawian ka na ng buhay, at heto nga, ibinigay mo sa akin ang mga mata mo. mga mata na ilaw ng buhay ko.

saan ka man naroon ngayon inay, nagpapasalamat ako. na minsan sa buhay ko, may naging ISANG INA NA TULAD mo.


nagmamahal,
nene

Apr 16, 2009

GAMU-GAMO

"kanina ko pa sinasabi sa 'yo janet, wag kang maglaro dyan sa tabi ng ilawan, baka mag-ihi ka sa pagtulog mo" si nanay yun, pinagsasabihan na naman ako

"nay, malayo naman ako sa apoy, saka anino lang naman pinaglalaruan ko hindi yung ningas!" pangangatwiran ko

at itinuloy ko parin ang paglalaro ko sa anino ng aking mga kamay, kay daming imahe nitong nagagawa sa dingding ng aming munting tahanan.

"nay, bakit ang gamu-gamo, mahilig lumapit sa apoy?" minsang tanong ko kay nanay

"siguro nabibighani sila sa liwanag na ibinibigay ng apoy"

"eh bakit hindi sila natatakot kapag nasusunog sila pag napapalapit sila sa apoy?" walang muwang na usisa ko

"hindi nila kase naiisip ang mangyayari sa kanila, kaya ayun nasusunog sila"

"eh kase naman nanay, wala siguro silang utak, ang liit lang ng ulo nila eh, syempre hindi kakasya ang utak dun!" sabay tawanan namin ni nanay.

Halos 20 taon na rin ang lumipas simula ng mapag usapan namin ni nanay ang gamu-gamo, marami ng nangyari sa aming mga buhay. ang dating kubo namin na bahay, bungalow na ngayon. ang sakahan na dating inaararo ng kalabaw namin na si matikas, subdivision na ngayon. si tatay, wala na. si nanay na lamang ang kapiling namin ng mga kapatid ko.

masaya naman kami kahit papaano.

"ate, kailangan mo ba talagang umalis? ayos naman ang trabaho mo sa maynila ah" samo ng kapatid kong bunso

"arlene, kung hindi ako aalis,baka hanggang high school lang ang matapos mo. tingnan mo ang ate Rhona at kuya ronald mo, malapit na rin maka graduate,malaking pera ang kailangan natin para sa pag-aaral nyo" mahabang paliwanag ko.

"janet, anak, wag mong kakalimutan ang mga bilin ko. hanapin mo agad ang tya lucing mo pag dating mo sa singapore."paalala ni nanay

"ate, pag andun ka na mag apply ka agad ng immigrant, susunod agad kami ni ronald dun para makasama mo. tapos kunin natin sina nanay" isa pang ilusyunada itong kapatid ko.

"pwede ba kambal, magtapos agad kayo. wag na kayo gumimik kasama ng mga kaibigan nyo, mayaman sila, mahirap tayo" muli kong sermon sa kambal kong kapatid.

"basta anak, wag mong kalilimutan ang mga pangaral ko sa iyo" huling habilin ni nanay bago kami nagkahiwa-hiwalay.

Lumaki ako sa probinsya,nag aral sa public school at naging mabait naman ang Maykapal, biniyayaan ako ng talino. Ito ang naging daan ko upang makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas bilang scholar. Mahirap na masaya, yan ang masasabi ko sa naging buhay kolehiyala ko, eskwelahan - boarding house, ito ang naging ruta ko sa loob ng 4 na taon.

Dahil narin siguro sa lakas ni nanay sa pananalig sa KANYA, natanggap ako sa Land Transport Authority ng Singapore bilang emplyeyado.

SINGAPORE

"Miss Tenorio, have you recieved the papers regarding Serangoon Mrt drafts?" si Mr Naidu, boss ko.

"yes, i'm bringing it home to study further" "ok lah, but must submit that before thursday" sabay talikod nito sa akin.

Hindi madali ang trabaho ko,madaming calculations at pagrerebisa ng mga plano sa ginagawang mrt stations ang kinakaharap ko. stressful sabi nga nila. pero sa sweldo na lang ako tumitingin, tutal iyon naman ang ipinunta ko dito talaga.

"ano ba yan Janet,parang hindi ka na kumakain ah, Heto tikman mo niluto ko 'to share na tayo" si kuya rudy, isa sa mga pinoy na nasa grupo ko. matagal na sya dito sa singapore, halos 4 na taon na rin
sya dito sa LTA. sa lahat ng mga kagrupo ko, sya ang pinaka malapit sa akin.

"kuya nakakahiya naman sa 'yo,may baon naman ako eh"

"ano bang hiya-hiya, oras na ng tanghalian, hindi ka binabayadan dito para magkasakit" sobrang maalalahanin si kuya rudy.

"ayos kuya ah, sarap ng luto. galing ng mrs mo magtimpla" papuri ko sa ulam na binigay nya

"kuya ka dyan! rudy na lang. di naman tayo nagkakalayo ng edad eh. Ilan taon ka na ba?" tanong nya

"26 po"

"sus, 31 pa lang ako eh" sabay salin nya ng kanin sa plato ko.

"tama na, ok na yung nakain ko. busog na ko" sa totoo lang bitin ako sa baon ko, half cup rice lang ito dahil nagtitipid ako.

"para namang mas marami pa yung kanin ng pusa ko kesa dun sa kinain mo eh, ubusin mo yan"

Palaging ganito kami ni Rudy, magkasabay kumain sa araw-araw,hinihintay nya ako tuwing uwian. kalmitan sabay kaming sumasakay ng mrt pauwi. hougang ako, sa sengkang naman sya.

Halos 5 buwan din ang lumipas, nagkapalagayan kami ng loob. Halos na ikwento na nya sa akin ang naging buhay nya.

"yung mrs ko hindi naka graduate, bata pa kase kami nung magpakasal. ayun nabuntis ko agad kaya hindi na nagtapos" minsan nagku kwentuhan kami.

"2 ang anak namin,yung panganay namin grade 6 na. si bunso naman grade 3, maya-maya lang may dalaga na ako." sabay ngiti nya

"naku sana naman wag magmana sa inyo yung anak nyo, maagang lumandi" sabay tapik ko sa braso nya

"loka, kahit ganun ang nangyari sa amin, naging mabuti naman akong ama at asawa. hindi ko kelanman sila ginutom"
eto ang hinangaan ko sa kanya, para tuloy nakikita ko sa kanyaang katauhan ni itay. namayapa si tatay 2 taon matapos kong maka graduate. Hindi nya kami iniwanan ng kahit anong problema,may insurance sya kaya't iyon ang ginamit namin upang maka-agdon sa buhay.

"ang swerte naman ng mga anak mo, may mabuting tatay sila"

"oo, meron silang mabuting tatay, may walangya naman silang nanay" sabay lungkot ng mukha nya.

"bakit may problema ba?" usisa ko

"ibinalita kase sa akin ng kapatid ko, madalas daw makita sa mga bar na gimikan ng kabataan ang mrs ko. sabagay, 30 anyos pa lang sya. at hindi nya naranasan gumimik dahil maaga nga kami nag-asawa"

"pero hindi sapat na dahilan yun para magka ganun sya" nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.


May ilang buwan pa ang lumipas, natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakakulong na sa kanyang mga bisig.

"tama ba itong ginagawa natin?" tanong ko sa kanya

"walang bawal sa nagmamahalan, tandaan mo yan janet." sabay akap nya sa akin.

may maitututol ba ako gayong ramdam ko naman ang pagmamahal nya sa akin. At nag desisyon ako na makisama sa kanya. Namuhay kami na parang mag-asawa. Halos may 3 taon na kaming nagsasama.

"mahal, buntis ata ako.."

"ano?! sigurado ka?" gulat na anong nya

"oo, kase nag test na ako kanina, 2 guhit na pula yung lumabas, paano ito?" nag-aalalang tanong ko

"ano ka ba, eh di itutuloy mo yan. ayaw mo nun, magiging mommy ka na" sabay halik nya sa aking pisngi.


Nararamdaman ko ang pagmamahal nya, ngunit bakit parang hindi ako masaya. Hindi naman nya ako pinababayaan, lahat ng pangangailangan ko naibibigay nya.
Maituturing ko na talagang napaka swerte at sya ang magiging ama ng aking anak.

Ngunit hindi lahat ng araw ay masaya.

"mahal, emergency. kailangan kong umuwi muna sa Pinas.Yung kapatid ko, inatake sa puso.Patay." sabay sa pagsasabi nito sa akin ay naghahanda sya ng maleta para paglagyan ng gamit.

"mga hanggang kelan ka dun? tanong ko sa kanya

"hanggang mailibing lang siguro, mag iingat ka dito. wag kang kikilos ng kikilos, masyado pang maliit si baby sa tyan mo,3months pa lang, baka mapano yan ha" at muli ipinadama nya sa akin ang pagiging importante ko sa buhay nya.

Pagkarating pa lang nya sa Pilipinas, panay na ang habilin at tawag nya. para daw wag kong maramdaman ang pagkawala nya sa tabi ko.

Araw-araw tumatawag sya, bukod pa ang tawag sa opisina at sa bahay.Habang lumilipas ang mga araw, hindi nya nakakalimutan ang tawagan ako. hanggang isang araw..

"hello mahal, ang aga mo naman tumawag natutulog pa 'ko.." alam ko na sya lang ang tatawag ng ganun kaaga

"ikaw ba ang babae ng asawa ko?!" boses babae ang nasa kabilang linya
nalito ako, hindi agad ako nakapagsalita

"ang kapal naman ng mukha mo na manira ng pamilya, may kakulangan na ba ng lalake sa singapore at pati may asawang tao, kinakalantari mo?!" walang patid na bulalas ng babae.
"baka gusto mong idemanda kita at ng mapauwi ka dito sa pilipinas,
wag ang asawa ko ang landiin mo, maghanap ka ng binata na papatol sa 'yo wag mong isiksik ang sarili mo sa pamilyadong tao.."


hindi ko na tinapos pa ang sasabihin nya, ini off ko na ang telepono at saka nag iiyak.
masama ba ang magmahal?
bawal ba ang magmahal ng totoo?
bawal ba ang nararamdaman ko?

at dito ko naisip ang aking kabataan. ang mga pangaral ni nanay. ang GAMU-GAMO na walang utak at lumapit sa apoy kaya't sya'y nasunog.

PILIPINAS

"ate, ang ganda mo ngayon ha. ang puti mo na!" sabay yakap sa akin ni Rhona

"asan si nanay?" usisa ko sa kanya

"andun ate sa bahay, hindi na sumama, naghahanda kase para sa 'yong pagbabalikbayan"panay ang hawak sa aking mga kamay ng kapatid kong bunso. halatang na miss talaga ako.

"nay, patawarin nyo po ako...naging marupok ako sa tukso" humahagulhol na kumpisal ko kay nanay

"sshhh...anak, hindi na importante kung ano ang nangyari. ang mahalaga ay nagising ka sa bangungot. hindi pa huli ang lahat." malumanay na hinagod ni nanay ang aking likuran
"hindi mo maaring ituwid ang isang mali ng isa pang pagkakamali, kung ipaglalaban mo ang bawal ninyong pag-ibig, hindi lamang buhay ng pamilya ni rudy ang masisira, maging ang buhay ng iyong magiging anak"
"tama lamang na nangyari ito sa iyo ngayon, dahil kung tumagal pa siguro ay mas lalu kang mahihirapan" patuloy nyang pangaral.

"isisilang ko po na walang ama ang aking anak, 'nay. kawawa naman po siya" patuloy kong iyak

"noong ginagawa ninyo ang kasalanan, naisip mo ba ang maaring maging bunga? masyado kang naganyak sa init na ibinigay sa iyo ni rudy."


Isinilang ko ang aking anak sa aming probinsya, nagbalik ako sa singapore, ngunit hindi na sa LTA. Huling nabalitaan ko kay Rudy, lumipat na daw ito sa canada at kasama na ang kanyang pamilya.

Maihahalintulad ko ang aking buhay sa isang gamu-gamo, masyado akong naakit sa init ng pagmamahal ni rudy, init ng pagmamahal na tumupok sa buo kong pagkatao.


Pero hindi pa huli ang lahat, maari ko pang ituwid ang buhay ko.

Kasama ng aking anak, haharapin ko ang liwanag.

Ngunit sa pagkakataon na ito, haharapin ko ito ng may pag-iingat...
_________________

Apr 6, 2009

Penitensya

Tumitikatik na naman ang pawis sa aking noo, sobrang init ng araw.
Katanghaliang tapat kase, at sa haba ng nilakad ko mula sa terminal ng bus hanggang dito sa cathedral ay talagang tutulo ang pawis ko.

"Tay, madami kaya ngayon ang sasama sa penitensya? May mga lalatiguhin kaya ulit?" tanong ng bata na nasa aking likuran sa kanyang ama.

"mamaya makikita natin, malapit na tayo sa simbahan, ubusin mo na yang kinakain mo" sagot nito.

mataman kong pinagmasdan ang mag-ama,tangan nito sa kaliwang kamay ang kanyang anak, habang ang bata naman ay panay ang subo sa ice cream na hawak nito. tatawid kami ng daan at naghihintay mag berde ang traffic light na nasa kabilang kalsada.

Parang kaylan lamang ay ganito rin kaming mag-ama.mahilig kaming magpunta sa plaza at sa simbahan tuwing semana santa. nanonood kami ng mga taong nagpipinetensya. Si tatay ay nagta trabaho sa munisipyo noon, si inay naman ay kumadrona ng bayan namin. 4 kaming magkakapatid, ako ang bunso.
tahimik kaming namumuhay sa aming baryo sa bayan ng santa anastacia, isang bayan na masasabi kong makaluma ang itsura. mapagpaniwala sa mga pamahiin at sabihin pa, madaling maniwala sa mga milagro o kababalaghan.

hindi mayaman ang aming bayan, puro araruhan at tumana ang makikita mo sa tabi ng hi-way na nagdudugtong sa aming bayan papunta sa mga
probinsya sa norte. pagsasaka, palaisdaan at kalimitan ay pagtatanim ng gulay ang ikinabubuhay ng mga tao sa min. ngunit may kasabihan nga,
walang permanente sa mundo kundi pagbabago. at dito nagsimula ang aking kwento.

"san ka na naman ba pupunta martin? maano bang dumito ka na muna sa bahay. Linggo na nga lamang tayo nagkakasama-sama eh lalabas ka pa" himutok ni ina.
"may patanim ngayon sa bukid, mas mainam ng naroon ako, baka mamaya nyan eh dayain ako sa partihan. alam mo naman ang mga tao ngayon." sabay labas ni itay sa aming munting bahay.

Nagpapautang sina inay at itay sa mga magsasaka sa bukid. 25 porsyento ng ani ay isinusulit sa amin bilang parte o mas madaling sabihin eh pinaka interes sa nahiram nilang pera.

Tuwing may paani, dumadalaw si itay sa bukid, binabantayan at inaalam kung tama ba ang magiging parte nya sa mga sinaka. may mga panahon pa nga na naiilit niya ang lupang sakahan, kapag hindi nakakabayad ang mga pinauutang niya, kinakabig nya ang lupang sakahan ng mga ito.

nasa kolehiyo na ako noon, sina kuya naman at ate ay may mga trabaho na. mula maynila ay umuwi ako sa aming probinsya, nagulat ako sa laki ng ipinagbago ng aming bahay.

mas malaki na ito kaysa dati, may mga taong naninilbihan sa aming bahay. mga anak daw ng mga magsasaka sa amin. namamasukan na lamang upang makabayad kina itay sa utang.

ang dating bakuran namin na natataniman ng mga gulay,ngayon ay may mga kambing, baka at ilang kalabaw ng naka pastol. masasabi kong umaasenso na ang buhay namin.

"ser, eto na po ang kape ninyo. sabi po ng inyong ama hihintayin na lang daw nya kayo sa likod bahay kapag natapos na kayo sa pamamahinga" mahabang sabi ng inutusan ni ama.

"matagal na ba kayo dito?" tanong ko sa bata.
"mga ilang buwan na po, simula po noong nailit ang aming lupa" malungkot ang mukha nya.

"ganun ba, ano ba ang nangyari at nailit ang luoa nyo?" muli kong tanong sa kanya.

"Gener, anak, anu ba at pati bata ay kinakausap mo. nailit ang lupa nila dahil tamad mag araro ang tatay nya." hindi ko napansin, nakalapit na pala si itay sa amin.
tumalikod na lamang ang bata, halatang napapahikbi ito.

sa may ilang araw na pamamalagi ko sa aming bahay, lalu kong nakilala ang mga naninilbihan sa amin. halos naroroon sila dahil sa utang kay itay.

"tay, labis-labis na ang kinikita nina kuya at ate para sa pang gastos ninyo. malaki na rin ang kinikita ng bukirin. bakit hindi nyo na lamang tigilan ang pagpapa-utang?"

"nalalaman mo ba ang sinasabi mo?" pagalit na tanong ni itay.
"kase 'tay yung mga bata dito na naninilbihan sa atin, imbes na nag-aaral sila, hayan at andito sa bahay.hindi ka ba naaawa sa kanila?" paliwanag ko sa kanya

"eh kung yung mga magulang nga nila eh hindi naawa sa kanila, ako pa kaya? pwede ba Gener, ibahin mo ang negosyo sa kawang gawa. hindi ako pulitiko para mamigay ng pera"

iba na talaga ang ugali ni itay, parang hindi na sya ang dating tao na nakilala ko. umiikot na sya sa pera, na kung tutuusin naman ay hindi nya kailangan. malaki na ang ipinadadalang pera sa kanya nina ate at mga kuya ko. hindi na nya kailangan pa magpatubo sa mga magsasaka sa aming bayan.

Naging malapad ang lupain namin, may mga magsasaka na rin kami. sabihin pa'y naging matagumpay si itay sa negosyo na sinimulan nya. nag retiro na si inay bilang kumadrona, mas gusto kase ni itay na nasa bahay na lamang ito, tutal daw naman ay maayos na ang pamumuhay namin.

"mang bestre, ang aga nyo ata napapasyal dito sa amin?" bungad ko sa matandang lalake na nasa aming balkonahe.
"eh mangyari po, hihingi sana ako ng tulong kay senyor martin. nasa ospital kase ang aking anak, bibiyakin daw ang tyan dahil hindi kayang manganak ng normal.eh wala naman kaming ibang malalapitan kundi kayo, nakakahiya man ho, pero talagang wala na po akong alam na pwedeng lapitan. eto ho at dala ko ang titulo ng lupa namin" mahabang salaysay ni mang bestre.

"yaan nyo ho, makaka recover din agad ang anak nyo" sagot ko.

"iyon na nga ho ang masakit, hindi po tinanggap ni senyor martin ang alok ko. malayo daw at nasa may gilid ng bangin ang lupa na iniaalok ko. sige po, mauna na ako, kay mayor muna ako lalapit.

Ganito na ba kaganid si itay sa pera? hindi ko na talaga sya maintindihan.

KASALUKUYAN.

Pagkatawid sa kalsada ay dumiretso ako sa tindahan, ilang mineral water ang aking binili, sinamahan ko na rin ng straw. Mas madaling inumin ito kung sisipsipin na lamang. Sa may tabi ng kalsada, doon ako pumwesto. At gaya ng dati, may ilan na taon na ang nakakaraan, naririto akong muli, nag aabang ng prusisyon.
Nag aabang sa mga nagpipinetensya, nag aabang sa lalakeng may bitbit ng krus.

Pagkaraan lamang ng ilang saglit, iniluwa na ng plaza ang mga taong kasama sa sinakulo at penitensya. Hanap ng aking mata ang lalakeng may bitbit ng krus, at ng matagpuan ko ito, kusa na akong lumapit sa kanya. Gaya ng dati, madugo na ang likod nito, pawisan ang mukha, ngunit may ngiti na sa kanyang labi habang pina sisipsip ko sya sa straw
upang makainom ng tubig.

"salamat." salitang namutawi sa labi niya.sabay nakita ko ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.

Sa puntong iyon ay hindi ko na kinaya ang lahat, naging masama man ang taong ito, ang lahat ay may kapatawaran.Ilang taon na niyang pinagsisisihan at ilang taon na rin niyang binibitbit ang krus sa kanyang balikat upang ipakita ang kanyang pagsisisi hindi lamang sa KANYA kundi sa lahat.

"tay, sapat na po ang lahat. maari ka ng mamahinga.napatawad ka na NIYA."

"hindi anak, kulang pa ito. sa laki ng kasalanan kong nagawa sa mga taong inagrabyado ko, hindi sapat ang penitensya kahit pa taun-taon kong gawin ito" pagpapatuloy nya,
"ang anak ni bestre, namatay ng dahil sa kadamutan ko, ang asawa ni teban, hindi ko pinahiram ng pera kaya't namatay ito. mga lupa nila isinanla sa akin, ginipit ko sila para maangkin iyon. anak, huli na ng maintindihan ko ang lahat, na hindi sapat ang pera,ang iyong inay, may sakit. at hanggang ngayon ay wala pang naiimbento na kagamutan. madami akong pera ngunit hindi nito kayang bilhin ang buhay ng iyong ina.tanging ito na lamang ang alam kong paraan upang humingi ng kapatawaran sa lahat ng aking kasalanan.
bibitbitin ko ang krus na ito habang ako'y nabubuhay."


Sabay sa aking pagtayo ay kinuha ko ang krus na dala dala nya, inilagay ko iyon sa aking balikat. Ipagpapatuloy ko ang kanyang nasimulan, para kay inay,na umaasa ng kagalingan. para kay itay, na umaasam ng kapatawaran.

at mula ngayon, ako na ang bagong mukha na makikita sa santa anastacia, ang lalakeng nagbubuhat ng krus. hindi nakamaskara, humihingi ng pag-asa.

Feb 12, 2009

future EX-BF

ano nga ba ang tunay na kulay ng pag-ibig?

"hoy Kathy, ang aga mo ngayon ah. May date ka na ba?" eto na naman ang intrimitida kong housemate. Pang asar palagi.
"bakit, pag may date lang ba dapat maging maaga paglabas ng bahay?!" istariray kong sagot sabay labas ng pinto.

Ganito na lang palagi, every week na off ko pinupuna nila ako. Tinatanong kung nakita ko na daw ba ang lalakeng magpapatibok ng puso ko.
Kailangan ba talagang hanapin sya? Para sa akin kusang darating si Mr Right. Hindi kelangan hanapin.

"oo kathy, hindi hinahanap si Mr Right, pero sa edad mong yan, sa palagay mo kaya mahihintay mo pa sya?" si Lilet, bestfriend ko.
"nasa line of 30's pa naman ako ah, yun nga lang 38 na. pero atleast kasama parin sa numero ng TOTO."

Sino ba naman ang hindi natatakot tumandang mag-isa. Mga kapatid ko lahat halos de pamilya na. kaya nga heto ako sa Singapura, panay ang hataw
sa trabaho dahil sa kanila. Pang 3 ako sa limang magkakapatid. Si ate, pagka graduate ng college ayun lumarga ng pag-aasawa. Si kuya naman palibhasa
laki sa matatanda naming lolo at lola, sa kumbento napapunta. Ngayon pari na. At ang 2 kong kapatid na lalake, masyadong mapopogi, ayun tig 2 na rin ng anak. Puro
High School pa lang, nagpapikot na. Mga magulang naman namin, halos sakahan lamang ang ikinabubuhay. Hayun nga at ang 2 kapatid ko eh sa kanila pa nakapisan.

Siguro isa ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon wala parin akong asawa, naging sobrang busy ako sa pagta trabaho.Sa kagustuhan kong maging maginhawa ang
aming pamilya,nag sakripisyo akong malayo sa kanila.


"Miss Alvarez, i need you to call FedEx regarding my delivery" si boss yun. May ipapa pick-up siguro na documents.
Alas sais na, wala parin ang fedex, kailangan ko ng umuwi. kung bakit naman kase na late ang pick-up nila eh.
"hello? i'm so sorry. Got jammed at downtown" salamat dumating din ang fedex.
"Miss Pinay ka ano?" aba at tagalog pala ang mamang ito.
"Oo, buti naman at dumating ka, aabot pa ba yan sa flight ng eroplano nyo?"
"syempre naman, kaya nga andito na ako eh para kolektahin." "Ah miss, ako nga pala si Jay-R. Wag ka na magpakilala, ikaw si Kathy Alvarez di ba?,
nakasulat dito sa resibo yung name mo" preskong paliwanag nya.

Hindi rin sya mayabang ha, presko pa!

Lumipas ang may ilang linggo, normal naman ang trabaho ko. Paminsan minsan sumusulpot si Jay-R para mag deliver at kumuha ng documents sa office namin, may account kase
sa fedex ang kumpanya namin at sya siguro ang naatasan na kumolekta dahil area nya ang opisina namin.

February 14, araw ng mga puso. Eh ano naman ngayon kung valentines day. mga kabaduyan lang ito. Ilang taon na ang lumipas at every year is the same lang din naman para sa akin.

"Miss Kathy, may date ba kayo ng Mr mo sa valentines day?" eto na naman si yabang.
"mukha na ba akong may-asawa?!"
"hindi,nagbabaka sakali lang" ani nya."aba, valentines ngayon baka gusto mo ng date, available ako"
"grabe, akala ko bilbil ko lang ang makapal dito, yun pala mas makapal at magaspang pa ang mukha mo. Pwede ba, nagta trabaho ako, iwan mo na ang delivery na yan at umalis ka na noh!"
"love is blind sabi nga nila, pero kung ganyan ka Miss Kathy, kahit ako hindi mabubulag sa 'yo" sabay bira nito ng alis sa harapan ko.

Sa palaging pagpunta-punta ni Jay-R sa office namin, laging pang aasar inaabot ko sa kanya. Hanggang isang araw, iba na ang delivery guy ng fedex na nagdala sa amin.
"Uncle, where is the Filipino who used to deliver and collect our documents?" usisa ko sa matanda.
"don't know leh, maybe he go back already. finish contract." sagot naman nito.

"Nakakamis din pala ang may nangungulit" minsang nagku kwentuhan kami ni Lilet.
"baka nga natapos na ang kontrata at umuwi na sa atin." aniya.
"january na Lilet, makikilala ko pa kaya ang lalake na sisira ng pangit kong future?"
"hahaha! ano ka ba kathy, sobra ka naman. lalake na sisira ng pangit mong future?" aliw na aliw si Lilet sa tinuran kong salita.
"kase naman, kapag hindi ako nakapag asawa, ano na lang future na naghihintay sa akin?"
"anu ka ba kathy, andaming HOMES dito noh! mga pinay pa ang mag-aalaga sa 'yo" pang asar din itong bestfriend ko eh.

City Hall MRT.

"Miss Kathy!" pamilyar na boses sa akin yun ah. sabay lingon ko sa likod.
"aba Jay-R, buhay ka pa pala. Akala ko na retrench ka na."
"knock on wood Miss kathy, baka magkatotoo yan, hahaha!" pansin ko medyo namayat sya at umitim.
"san ka ba ngayon nagta trabaho?" untag ko sa kanya
"lumipat na ako miss kathy, bale sa Jurong Island na ako ngayon. Taga sipsip ng langis." kaya naman pala maitim na sya.
"anlayo mo pala, eh bakit andito ka sa cityhall?"
"pupuntahan ko pamiya ko, nasa bedok sila, kakarating lang." pamilyado na pala sya. kaya naman pla sya eh masipag.may binubuhay na.
"san ka ba dito Miss Kathy?" tanong nya
"sa Tampines." sagot ko
"aba, ayos hatid na kita, tapos pameryendahin mo ko ha" kakaiba talagang hunyango ito.
"ok ka lang?! naghihintay na sa 'yo family mo, mamaya nyan mainip pa anak mo kakaantay na makipag laro sa 'yo"
"hello?!!! Mukha na ba akong may asawa?!" natatandaan ko ang phrase na ito, ganito rin sinabi ko dati sa kanya.

"alam mo Jay-R dito sa singapore lahat ng lalake kapag hindi kasama ang asawa, eh talagang feeling..." "basta ba sinabing andito ang pamilya ibig sabihin
asawa at mga anak na agad?" putol nya sa sinasabi ko.
"dumating sina nanay at tatay para magbakasyon. Nanganak na kase ang ate ko dito kaya sila dumalaw. Bunso kase ako at 2 lang kami magkapatid kaya kailangan kong
puntahan sila" mahaba nyang paliwanag.

Inihatid nga ako ni Jay-R, hindi naman sya humingi ng meryenda. Next time na lang daw. Nagmamadali rin kase sya dahil naghihintay ang magulang nya.

February 14, 2005. Valentines day na naman. At gaya parin ng dati, isang ordinaryong araw lang ito na lilipas.

"tara dinner naman tayo mamaya sa Bugis, night shift si vergel eh, wala kaming date." yaya ni Lilet habang kausap ko sa phone.
"o sige, tutal wala rin naman gagawin mamaya sa bahay"

"hi miss kathy!" si jay-r biglang bulaga sa akin sa office namin.
"o, ba't napadpad ka dito"
"wala naman, valentines kase ngayon baka wala kang date available ako" eto na naman ang linya nya
"hay naku jay-r, sorry ka. may dinner kami ng bestfriend ko kaya di mo ko maaasar."
"ganun ba, eh di sama na lang ako, baka maging crush ko pa ang bestfriend mo, ahehheh" ang kulit talaga ng taong ito.

Bugis Village.

"bes, si jay-r nga pala yung dating taga fedex na naku kwento ko sa 'yo. yung makulit" pagpapakilala ko sa kanila
"hi Lilet, buti na lang pala kasama ka ni kathy, kundi baka hindi sya pumayag na i date ako."
"grabe talaga ang yabang mo jay-r, sino ka ba sa akala mo?!" pagtataray ko.
"ako lang naman ang FUTURE EX- BF mo.!" ano daw?

Sabay dukot nya sa kanyang bulsa at lumuhod sa harapan ko.
"Kathy,i'l be your future ex bf, coz you will be my FUTURE WIFE. please marry me...!"


may masasabi pa ba ako?

now, i'm living with my EX BF. who is my husband now.
may 2 na kaming anak at matiwasay na naninirahan dito sa SG.

Jan 27, 2009

ako si TigerLily at eto ang aking kwento

natutulog nga ba ang Diyos?

maika ilang ulit ko na itong naitanong sa sarili ko, noong una sabi ko sa sarili ko may favoritism si Lord.

Nung magbigay kase sya ng magandang kapalaran sa pamilya ko, tanging ako lang ang pinag damutan nya. Sa itsura, sa kulay, sa height.
at higit sa lahat, sa talent.

Ordinaryong babae lang ako, na kahit na ata anong gawin kong pagpapaganda, tanging si Dra Vicki Belo lang ang naiisip kong pag-asa.
Maitim ang kulay ko, pandak, pango ang ilong. Hindi marunong kumanta. Sumayaw man ay animo'y parang patpat ng kawayan, in short, walang talent talaga.

Nakatuntong lang ako ng 2nd year college, dahil sa kahirapan hindi na nagawang makapagtapos sa pag-aaral. Dahil sa kagustuhan kong maiba na agad ang aking buhay, minsang yayain ako ng mga kadalagahan sa baryo namin para makipamista sa kabilang baryo, sumama ako. May diskuhan daw, at sabihin pa, may mga binata.

Doon ko nakilala si Artur, mabait naman sya, tricycle driver. Kasabihan nga, basta driver, sweet lover. Makalipas ang may 3 linggong bolahan, nagpasya kaming magpakasal.

Noong una ay ayos lang ang aming pagsasama,naipasok ako sa isang garments factory bilang checker, nagkaroon kami ng 2 anak. At dahil sa palagi akong abala sa trabaho, dito na nagsimulang masira ang aming pagsasama. Lagi na lamang syang nagseselos, nambibintang ng kung ano-ano. Haggang isang araw, naisipan ko na lamang hiwalayan sya.

At dito nagsimula ang aking kwento.

Napadpad ako sa aking mga kamag-anak sa Padre Faura, iniwan ko ang 2 kong anak sa pangangalaga ng aking kapaid na matandang dalaga. Pinilit kong humanap ng marangal na hanapbuhay, pero gaya ng dati, mukhang may favoritism talaga si Lord. or should i say, transparent ako sa kanya. Halos 2 buwan akong walang mahanap na trabaho,hindi naman kayang
buhayin ng ate ko ang 2 kong anak dahil sakitin din sya. Dito ko nakilala si Myrna.

"'day, sa katawan mong yan may asim ka pa. gusto mo mag abroad ka na lang, sigurado ko sa 'yo mag-uuwi ka ng datunges para sa mga dyunanaks mo" pabaklang salita ni Myrna sa akin, isang hapon na inabutan ko sya sa harap ng tindahan.

"ano namang klase ng trabaho yan, kung katulong rin lang eh malamang dilat na ang mga mata ng mga anak ko, wala pa akong sinusweldo dahil sa kaltas ng agency" sagot ko sa kanya.

"Loka, etong mga mukhang ito ba ay bagay sa pagiging chimi-a-a, si pokwang nga naging milyonarya sa kanyang itsura, di mas hamak naman na may mukha ka kesa sa kanya"

"eh ano ngang trabaho, at saan naman ako kukuha ng pamasahe papuntang overseas?"

"may kilala akong makatutulong sa 'yo."

Isinama ako ni Myrna kay Mama Delia, MAMASANG daw ito ayon sa kanya. Mukha syang istrikta, pero mukha din namang mayaman, at sa likod ng edad nito, makikita mo parin kay Mama Delia ang galing nyang pumorma, hindi pahuhuli sa uso kumbaga.

"$2500 Singapore dollars ang babayadan mo sa akin, libre ang board and lodging pero kailangan mong magbayad sa loob ng 1 buwan para sa halagang sinabi ko,30 ang ibibigay sa 'yo ng immigration na visa para manatili ng singapore, kailangan maging mautak ka.Ayoko ng maraming dahilan, dahil para sa akin bawat gabi ay mahalaga.Kung sinuswerte ka at magiging maganda ang kita mo, triple pa ng $2500 ang maiuuwi mo, pero kung choosy or mapili ka sa customer, ewan ko kung may dadamay sa 'yo." paliwanag ng matanda.

Istrikta nga si Mama Delia, ayaw daw nyang masayang ang perang ipupuhunan nya sa akin,sa madaling salita, pumayag ako sa alok nyang trabaho.

Kapit patalim na ito,pikit mata kong pinirmahan ang kontratang inilahad nya sa akin, consignment note iyon ng pag kakautang.

Kinabukasan,umuwi ako ng Quezon upang magpaalam sa 2 bata, iniwanan ko sila ng pangakong babalikan ko sila agad at magiging masagana sila.

Baon ay luha, lumulan ako sakay ng tiger airways papuntang Singapore kasama si Mama Delia.

Singapore.


"Hi, wanna have some drinks?" alok sa akin ng isang matabang amerikano. Pang 2 linggo ko na sa Orchard Towers, medyo matumal ang dating ng kliyente.
"sure, give me some margarita please waiter" hindi ako palainom kaya't hanggang sa mga ganitong inumin lang ang order ko. mahirap ng mautakan ng customer.

"so how's everything" tanong muli ng AngMoh (eto ang tawag nila sa mga amerikano dito sa singapore)
"well, as you can see it's very quite" sagot ko " anyway, i'm Lily" pagpapakilala ko
"wow,as in waterlily?" sabay ngiti nya. mababakas mo sa mukha nya ang pagiging masayahin
"no, it's Tiger Lily, hahahah!" at nakipag biruan na rin ako sa kanya.

Inabot kami ng may 3 oras na puro tawanan, Peter ang pangalan nya, isa pala syang Briton. Hanggang napunta kay HarryPotter ang aming usapan at kung saan saan pa.

"You know what, i like your style, you have sense of humor, hah." komento ni Peter
"Oh, really? i'm just making you happy, coz that's the reason why you went to place like this, am i correct?"
Biglang natigilan sya, tumungga ng may 3 beses sa hawak nyang beer saka muli akong hinarap.

"Can i ask you something?"
"sure, what is it?" sagot ko
"Don't be hurt to what i'm gonna ask you, but is this the only work you know how to do...or?..." hindi na nya naituloy ang sasabihin pa nya

"actually this is my 3rd week here, i have to do this to feed my family. I got 2 kids, dying mother and my family has no one to depend on except me, if there is only a way where i can work as normal here abroad, i would love to do it. But since this is the only oppotunity that knocked on my door, i grabbed it" sabay punas ko sa aking ilong.
"you see, now i nose bleed, that is a very long paragraph, i can only say 8 english words per 5 minutes!" sabay hagalpak ko ng tawa.
Pero nanatili si Peter na seryoso.

Natapos ang aming gabi sa kwentuhan, tawanan at may pailan-ilang pagsasabi ko sa kanya ng aking pagkatao. Ewan ko ba kung bakit magaan ang loob ko sa kanya, at ganun din naman sya sa akin.

"I know this is too early to say this, but i am living for London tomorrow night, i may not see you for sometime. But i will be back, and i hope i can call you from time to time" sabay kinuha nya sa akin ang numero kung saan pwede nya akong tawagan.

"and Lily, hope you will not work until i come back. We will talk, we need to talk when i come back." inabot nya ang bag ko at doon ay may inilagay syang ilang pirasong papel na pera. Hindi ko agad ito pinansin,
ayokong magmukhang pera ako sa harapan nya.

Pagdating ko sa bahay na tinutuluyan ko, ganun na lang ang aking pagkagulat, $4250 pala ang isiniksik nya sa bag ko. 4pcs na tig $1000 sing dollar at 5 pcs na $50 bill.

Kinabukasan,hindi nga ako pumasok. Nagdahilan ako na masama ang pakiramdam ko,gusto kong tupadin ang binilin sa akin ni Peter. At ng gabi ngang iyon ay tumawag sya, inalam kung pumasok daw ba ako.

Lumipas ang 4 na araw, nakatanggap muli ako ng tawag mula kay Peter, gusto nya magkita daw kami. Nagpaunlak naman ako, at sa Bugis nga ay kami'y nagkita.

Cute pala sya kapag maliwanag, blue eyes. Maliit na mataba, kulot ang buhok. Palangiti at masayahin. Hindi mo aakalain na nasa edad 60 na sya. Nagta trabaho sya dito sa singapore bilang consultant sa
isang dambuhalang kumpanya ng langis.

"What if i ask you to quit your job, what are you going to do?" tanong nya sa akin habang nagme meryenda kami.
"i will only quit this work if i have new work that can give me enough money to send home to my family" deretsang sagot ko sa kanya.

May kakulitan din si Peter, ayaw na nya talaga akong pabalikin sa Orchard Towers,at dito na sya nag tanong kung magkano daw ba ipinadadala ko sa pamilya ko.

Naging honest naman ako sa kanya at sinabi ko lahat lahat, pati ang utang ko sa mamasang ko.
Noong gabi rin na iyon, nakipag-usap sya kay Mama Delia, tinubos nya ako sa halagang $1800 kasama na plane ticket na ginamit ko.

Sa ngayon, 4 years na kaming nagsasama ni Peter, everymonth umuuwi ako ng pinas, gusto nya kase na nakikita ko ang mga bata. Nagpakasal na rin kami. Nag PR na rin sya at sustentado nya ang lahat ng pangangailangan ko.

Sa bahay namin iisa lang ang panuntunan...BAWAL ANG NKASIMANGOT, dapat laging nakatawa.

Muli nya akong inilapit sa Panginoon, sa katunayan papa Jesus ang tawag namin sa KANYA at kapag may nasasalita kami ng bad words, "sorry papa Jesus" agad ang namumutawi sa aming mga labi.

Sabi nya palagi sa akin, ang buhay nya ay sasaglit na lamang, mas gugustuhin nya na paghumarap sya sa Maykapal, at tanungin sya kung anong kabutihan ang nagawa nya, hindi na lamang sya iimik. Titingin na lang sya sa ibaba at sasabihin " Ask that TigerLily please"

Kaya ngayon, kapag may nagtatanong kung natutulog ba ang Diyos, sinasagot ko sila, "hindi SYA natutulog, nagmamanman lang".

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;