naranasan mo na ba ang umasa?
college pa lang ako, ilang beses na ko nagkaroon ng relationship. ayun, puro failure.
sabi ng mga kapitbahay namin na matatanda sa akin, natural lang daw yun, kase bata pa ako.
Edad 18, naglandi na ako.
o, ba't ganyan ka makatingin? nagsasabi lang ako ng totoo, ayokong maging ipokrita okay?
napasok ko ang mundo ng pagiging isang kolehiyala. masaya, mahirap...malungkot.
sino ba naman ang hindi malulungkot nun, ang bf ko nung high school ako, inakala kong knight in shinning armor,
ang hudas. may ibang GF pala. taga kabilang University lang, kakainis di ba.
Dahil naging bf ko nga sya nung high school, naniwala ako sa palabas sa tv, na hanggat walang clossure, it means kayo parin.
at naniwala naman ako, umasa.
may time pa nga na hinahabol-habol ko sya. hanggang isang umaga nagising na lang ako, hindi ko na sya mahal.
dun ko nakita ang sama ng ugali nya, na pati allowance ko inuutang nya mai date nya lang ang iba. ang jologs ko di ba?
minsan umutang sa akin ng 100 pesos, may babayadan daw emergency, nahuli ko ipinambili ng "bato" ayun iniwanan ko na.
3rd year college ako, na meet ko yung taga Adamson. gwapo sya, engineering ang course, bagay kami kumbaga.
nakailan lang nood ng sine at hayun, bumigay na naman ang bruhilda. ano ba naman magiging laban ng isang nagmamahal? wala di ba.
after few months, matapos magsawa sa relationship namin, nabalitaan ko na lang, may idini date ng iba. asa pa ba ako? naku..hindi na.
may ilang buwan din ang lumipas, wala akong bf, parang nadala na kase ako. hanggang maging graduating ako.
nakilala ko si Roy, isa na namang engineering student, ewan ko ba, ang hilig ko talaga sa inhinyero, masyado kase silang macho.
after 1 week, sinagot ko sya, ayoko na kayang pakawalan, hirap maka hook ng gwapo nung panahon na yun ata.
makalipas lang ang ilang araw, nalaman ko, BADING pala sya. ginamit lang akong front ng walangya.
simula nun, pinangako ko na sa sarili ko, mag iingat na talaga ako. mahirap ng magkamali. maging bitter ba naman ang hitad, o di ba.
at eto nga, after 5 long years, nakilala ko si Vinz. isang volunteer.
hindi sya ganun kagwapo, pero may dating sya. may tono ang boses, na kapag nagsalita parang hinehele ka sa alapaap.
naramdaman mo na ba yung kapag kausap mo ang isang tao, wala ka ng magawa kundi tumango, ngumiti at ngumiti na lang ng ngumiti.
mukhang nahihibang na ewan.
yun, ganun ang naramdaman ko sa kanya. feeling ko ang espesyal ko kapag kasama sya.
ikaw na ba naman yung ipaghila pa ng upuan kapag kakain kayo, hahawakan ka pa sa siko para maupo at makatayo.
kilig to the bones talaga !
Infairnez, napagbago nya ako talaga. di na ako mahilig magmura, nawala na rin yung pagiging bitter ko.
kalimitan sinusundo nya ako sa work, sabay papakainin sa labas.yung tipong ayaw nyo na magkaroon ng bukas kase uuwi kayo sa kanya-kanyang flat.
nood ng sine, pasyal, para nga atang nabaybay na namin lahat ng meron rebulto si merlion.
lahat ng park dito sa singapore, napuntahan na namin, pati nga pulau tekong di namin pinatawad,at nilarga din.
kaya lang bakit ganun, parang meron parin kulang...
hindi ko maramdaman yung kilig at saya na hinahanap ng puso ko.
di ba sabi nila, kapag para kayo sa isa't-isa, may kung anong bundol lagi sa dibdib mo, yun bang kaba ng kaba.
eh ba't ganun, absent ata sa akin ang feeling na kakaba-kaba.
siguro, nasobrahan lang ako sa pinaparamdam ni Vinz sa akin, kakaiba kase sya magmahal.
hindi lang sa mga advices magaling magbigay, hindi lang sa pagiging gentleman,kundi sa pagbibigay sa akin ng pag galang.
pag galang na hindi ko naramdaman sa mga past relationships ko.
umuwi sya last month ng Pinas. Fiesta kase sa kanila. Toxic sa hospital, di ako pwede mag file ng leave.
di bale 2 weeks lang naman sya. lagi naman kami magkausap sa phone, at kalimitan nga, magka chat pa.
panay ang bilin at pangaral nya, nagmumukha na tuloy tatay ko sya. ano ba naman yung pati pagdadasal pagkagising at bago matulog ipaalala pa.
at kanina lang nga, pag open ko ng mailbox ko, meron akong nabasa.
dear jen,
mahal kita kaya't ginagawa ko ang lahat ng sa alam ko ay ikabubuti mo.
wag kang malulungkot sakaling hindi muna tayo magkita. minsan may mga bagay na kailangan natin
gawin para sa ikabubuti ng marami, tatandaan mo palagi ang mga payo ko sa 'yo.
wag kang magtatanim ng galit dyan sa dibdib mo, tandaan mo, iisa lamang ang buhay ng tao.
kung ano ang sa palagay mo ay makakapagpasaya sa 'yo, ituloy mo.
natutuwa ako at ika'y nakita kong nagbago.
nagmamahal,
Vinz
PS
Ordinasyon ko na sa linggo, salamat sa pagtuturo mo sa akin ng daan tungo sa paraiso.
aray! Seminarista pala sya.
aasa pa ba ako na magiging kami pa?
malamang hindi na...
***
Jun 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Translate
~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~
Kumusta, i ako ay pinangalanang MORAIDA Luna. Gusto kong gamitin ang medium na ito upang alertuhan ang lahat ng mga naghahanap ng utang upang maging napaka-ingat dahil may mga scam sa lahat ng dako. Ilang buwan na ang nakakaraan ako ay pinansiyal pilit, at dahil sa pagkawalang-taros, ako nai-scammed sa pamamagitan ng ilang online na nagpapahiram. Halos ako nawala pag-asa hanggang sa isang kaibigan ng minahan-refer ako sa isang maaasahan tagapagpahiram na tinatawag na Mrs Amanda na ninyo bang ipahiram sa akin ang isang hindi secure na pautang ng $ 53,000 sa mas mababa sa 24 na oras nang walang anumang presyon o magbigay-diin sa isang interes rate ng% 2 lamang. Ako ay kaya magulat kapag naka-check i balanse ang aking bank account at nalaman na ang halaga inilapat i para sa ay tuwid na ipinadala sa aking account nang walang anumang pagkaantala. Samakatuwid ipinangako ko sa kanya i ay pagpunta upang ibahagi ang mabuting balita sa gayon mga tao ay maaaring makakuha ng mga pautang madali nang walang anumang stress. Kaya kung ikaw ay nangangailangan ng anumang utang ng anumang uri, makipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang email: amandarichardssonloanfirm@gmail.com or amandaloan@qualityservice.com.
ReplyDeleteMaaari ka ring makipag-ugnay sa akin sa aking email moraidaluna@gmail.com.
Ngayon, lahat ng gawin i ay subukan upang matugunan up sa aking pautang pagbabayad na i magpadala nang direkta sa kanyang account buwanang.