Mar 24, 2010

tanging yaman

"batiin natin ng kapayapaan ang bawat isa" lahad ng kura paroko sa simbahan na aking kinaroroonan.

"peace be with you" ani ko sa aking katabi
"peace be with you" sambit ko sa nasa kaliwa kong katabi

at ewan kung bakit sa dinami-dami ng makikita ko at babatiin ng peace be with you, ikaw pa ang nakita ko mula sa ikatlong hanay ng mga taong nasa aking likuran.

Mula doon ay tila tumigil ang pag inog ng aking mundo, nagbalik sa aking ala-ala ang lahat. Kung paano tayo nagkakilala, mula sa pagiging magkapitbahay, naging mag BF at GF hanggang sa naging napakapusok natin at umabot sa kasalan.

Nabigyan ako ng magandang offer sa ibang bansa. Ayaw mo akong payagan, hindi naman kamo tayo kinukulang at sapat pa ang ating kinikita. Ambisyosa ako, gusto kong maabot lahat ng aking mga pangarap. Kahit ayaw mo akong umalis ay itinuloy ko pa rin ang aking balak.

Paglayo na humantong sa tuluyang hiwalayan. Lumayo ako, nalunod sa bagong tagumpay na aking tinamasa, nakalimutan ko na may naiwan pala ako.Makalipas ang ilang taon, Papel na lamang na nagsasaad na tayo'y legal ng hiwalay ang aking nahawakan.

At ngayon nga, makalipas ang may 9 na taon, muling nag krus ang ating landas. Hindi parin nagbabago ang iyong mukha, maamo parin at may karisma. Ang tindig mo ay gaya parin ng dati noong tayo ay nagsasama pa.

Sabay sa pagbabalik tanaw ko ay may humila sa 'yong mga kamay at nagpa karga.

Sa puntong iyon ay para akong natauhan. Nasa simbahan nga pala ako.

Hindi ko na alam kung paano natapos ang misa, nagmamadali akong tumalilis at nagpunta sa aking sasakyan.

At mula roon ay napag masdan kita, kasama mo ang bago mong pamilya. Masaya, naka akbay ka sa kanya habang karga ang bunso ninyong anak. Namalayan ko na lamang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata, sabay tanong sa sarili ko kung hanggang saan na nga ba ang narating ko na.

Masaya ka dahil buo na ang iyong pinapangarap na pamilya.
Samantalang ako ay heto at hanggang ngayon ay nag-iisa. Nagtagumpay na maabot ang pangarap, ngunit hindi naman masaya.

Naalala ko tuloy ang sabi ng pari sa misa, kailanman ay hindi nadadala sa langit ang kayamanan.


Ngayon ko napagtanto, ikaw ang yaman na aking pinakawalan...


*****

1 comment:

Please leave a comment:

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;