Jun 1, 2010

dear papa

dear papa,
Sabi ni mam, gumawa daw kami ng sulat para sa aming ama dahil fathers day.
kaya papa, eto ang sulat ko para sa iyo.

salamat sa pinadala mo, may bago na naman akong tshirt at pares ng sapatos.
Si kuya may nike shoes na naman ulit, kasya lang sa amin yung mga sukat, hindi naman siguro ganun kabilis ang mga araw para humaba agad ang sukat ng aming mga paa.
kailan ka ba magbabakasyon ulit? ilang araw na lang bertday ko na.
Ilang bertday ko na ba na hindi tayo magkakasama?
huling bertday na natatandaan ko ay noong magkakasama pa tayong pamilya.
7 taon. ganyan katagal na tayong magkakahiwalay.

Hindi ko pa naiintindihan ang lahat noon, ang alam ko umalis ka lang para magtrabaho sa dubai.
si mama naman para magtrabaho sa Singapor. Iniwan nyo kami kina lolo at lola.
Masaya kami noong una, may mga kalaro kaming kapitbahay, lagi rin kaming namamasyal kasama sila.

Nag bertday ako,
nag bertday si kuya.
Nag bertday rin sina lolo at lola.

Ilang paulit-ulit ng nangyari ito, pero hindi na namin kayo nakakasama.

Noong iwan nyo kami at ilipat ng iskul sa ilaya, natatawa ako sa mga kaklase ko.
Galing pa sila sa tabing dagat at umaahon para lang pumasok habang naka tsinelas.
Samantalang kami, taga nayon lang pero naka sapatos pa.

Wala silang baon na pera, tubig lang at paborita.
sa tanghalian, isda ang ulam nila. samantalang kami ni kuya may ulam na may hotdog pa.
Pag uwian ang sasaya nila habang naglulusong papuntang tabing dagat.

Minsan naiinggit ako sa kanila, lalu na kapag ibinabalik ang report kard na may pirma sa likod ng magulang nila.
may bagsak din sila, pero hindi daw sila pinapagalitan, sinasabihan lang sila na mag aral mabuti at saka sila tinituruan.

Noong sabado, pinayagan kami nina lola na sumama kay Amy sa bahay nila.
Masarap palang maglusong, nakakatuwa lalu na kapag nadudulas kami sa daanan.
Pagdating namin sa kanila may niluto ang inay nya. Yung tatay naman nya ay kakarating lang galing sa aplaya.
Kubo lang ang kanilang bahay, walang kuryente, walang tv. Madami silang magkakapatid.
Isda at gulay ang nakahain, at kahit di kami magkasya sa mesa ang saya-saya namin habang kumakain.

Noon lang namin ulit naranasan maging masaya habang kumakain, masarap pala ang may nanay at tatay na kasama.
Nagagalit ka kanina nung tumawag ka,tinatanong mo kung bakit balik grade 4 ulit si kuya.
Elemtari pa lang bumabagsak na.
Sinisisi mo ang mga paglalaro namin, sinisisi mo sina lola dahil di sya tinuturuan sa mga asaynment nya.
Nasambit mo pa si mama, na sana isama na lang kami para naaalagaan.

Lahat na lang sinisisi mo.

Pero papa, naisip mo bang sisihin ang sarili mo?

Nasan ka ng makipag suntukan si kuya kay Bino dahil inaasar sya na hindi makakasama sa kamping ng father and son?
Noong magkasakit ako at dalhin sa ospital, sinong ama ang nag alaga sa akin. Si lolo lang.
Gaya mo magaling maglaro ng basketbol si kuya,pero wala na sya makasama sa likod bahay para maglaro kaya inayawan na rin nya.
Sino ang tinatanong namin kapag may asaynment, kapag may lod sina lola nakakatawag kami kay mama.
Pag wala, umaabsent na lang kinabukasan kesa mapagalitan ni mam.

OO, bata pa ako. 10 pa lang ako sa susunod na linggo pero marunong na akong umintindi papa.
Naiintindihan ko na kung bakit dinadalaw mo lang kami kapag umuuwi ka,
naiintindihan ko na kung bakit nagpapaalam ka kina lola tuwing hinihiram mo kami
naiintindihan ko na kung bakit hindi ka namin kasama nung dumalaw sa singapore kay mama
ang di ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan kaming mawalan ng isang AMA.

Wag mong kagalitan ang pagbagsak ni kuya.wag mong sisihin lahat ng taong nag-aalaga sa kanya.

sagutin mo sana ang mga tanong ko papa,

Bakit ka nag-asawa ng iba?

Di mo ba kami mahal ni kuya kaya ka nag anak sa iba?


Thank you ulit sa padala mo, sana sa susunod may kasama ng picture mo, yung ikaw lang mag isa.



Happy fathers day papa.


love,

nene
*****

2 comments:

  1. ito na ang pinaka cute sa mga stories mo ate....i love it..kung me dear papa,,,dapat me dear mama din or di kaya dir fafah....hahahahh

    ReplyDelete

Please leave a comment:

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;