Apr 9, 2011

Sampung paghakbang papunta sa Altar

Sabay sa pagtugtog ng pyesa na nagmumula sa pipe organ ng simbahan, ay hindi ko napigilan magbalik tanaw sa nakaraan, habang kita'y minamasdan. 

unang hakbang mo papasok sa may bungad ng simbahan 

- naalala ko kung paano tayo nagkakilala sa Singapore. Nakakatawa ka, baduy pumorma, parang laging pupunta sa fiestahan, naka polo barong ba naman. kahit mainit ang araw, dedma lang, may baon ka namang panyo kaya ang pawis ay pinupunasan na lamang. 

ikalawang hakbang papunta sa altar, pinangingiti ka ng cameraman 


- gumimik tayo noon sa Lucky Plaza, na diskubre ko, may boses ka naman pala, yun nga lang..parang hinahataw na baldeng walang laman. Inshort, sintunado ka. birit ka parin kahit utas na ako sa kakatawa. 

ikatlong hakbang mo, pinahinto ka.
Ilang shots pa mula sa camera.
 

- namasyal tayo sa Sentosa, anlupit ng attire mo, naka long sleeves at slacks ka ! Daig mo pa ang aatend ng binyagan, nakalimutan mo na ang Sentosa ay pasyalan, at sa palawan beach tayo ay maglalanguyan. 

sa iyong ika apat na hakbang, napatingin ka sa kanan, naroon ang mga barkada mo sa kumpanya na iyong pinapasukan. 

- nagsimula tayong maghanap ng trabaho, nangarap. nag plano. naranasan natin magtulungan at napatunayan ang salitang pagkakaibigan. dinanas natin ang hirap at nakisama tayo sa mga taong kailan lamang natin naging kakilala at kinalaunan ay naging mga kaibigan. 

ikalimang paghakbang, hindi parin mawala ang mga ngiti sa iyong mukha 

- nagbunga ang ilang panahon nating pagsa sakripisyo. nagkaroon tayo ng trabaho. lahat ng mga sakripisyo at naging hirap natin noon, mga pag aalinlangan at kawalan ng pag-asa, ngayon ay biglang naging masaya. Narinig mula sa atin ang mga halakhak at nakadikit sa ating mga labi ang ngiti na parang kailanman ay hindi na mawawala pa. 


sa ika- anim na hakbang, nagpalakpakan ang ating mga kaibigan na nakilala natin sa Singapore, panay ang ngiti mo sa kanila. 

- nagising na lamang tayo na may unawaan. hindi ko maipaliwanag, at hindi mo rin naman masabi ng deretsahan kung meron ba tayo o kung anu pa man. basta pakiramdam natin, meron tayong something out of everything na ating pinagsamahan, na there is something between us. basta yun na yun. ganun. whatever. 

ika pitong paghakbang mo papalapit sa altar, sinalubong ka ng mga ngiti mula sa iyong bestman na nakasama rin natin noong mga panahon na tayo ay mga baguhan at naghahanap pa lamang ng trabaho. 

- naging masaya ang bawat araw na naging buwan hanggang sa umabot ng 6 na taon. napakarami ng unos at bagyo na nagdaan sa pagitan nating dalawa, pero tumayo parin tayo na magkahawak kamay at nakangiti sa isa't-isa. 

mula sa pag hakbang mo ng ika walo, tumigil sa paglakad ang iyong ama. anaki'y hinapo sya at kinailangan huminto muna. 

- nagulat na lamang ako isang araw na parang kakaiba ka, hindi na kita maintindihan. palagi ka ng pagalit kapag nakikipag-usap sa akin. wari'y hinahanapan mo ako ng mali kahit sa maliit na bagay lamang. nagsimula ka na rin manlamig sa akin, ang dating samahan natin, ngayon ay parang may kulang. pilit kitang inintindi,na marahil ay napapagod ka lamang. 

sa pag hakbang mo ng ika siyam, ang luha ko'y hindi na napigilan 

- ang hindi natin pagkikibuan, animoy naging apoy na kumalat at sumunog sa may ilang taon nating naging samahan. 
wari'y nakalimot sa mga panahon na ating pinag daanan, nawalan ng saysay ang mga sakripisyo at sumpaan. 
tila gumuho sa atin ang lahat,nawala na ang pagmamahalan, 

ngunit iba parin talaga ang may pinagsamahan, dahil sa magandang pundasyon na ating nasimulan mula sa pagiging magkaibigan, muling nagbalik sa normal ang lahat na animo'y walang nangyari na trahedya sa ating pagitan. 


sakto ikasampung paghakbang papunta sa altar, nagmano ka sa iyong magulang. Tumayo ka sa may carpet at mula sa aking kinatatayuan,tayo ay nagkatitigan, nakikita ko sa iyong mga mata ang ningning ng kasiyahan. 

at dito ko naalala ang noon ay sabi nila, it's much better to marry your bestfriend, mawala man daw ang pagmamahal nyo sa isa't-isa, may pagkakaibigan pa na magsasalba sa inyong dalawa upang maging masaya ang pagsasama. 




isang kasabihan na kailanman ay hindi ko na mapapatunayan.

dahil mula sa pintuan ng simbahan, ay nagsisimula ng humakbang papuntang altar ang babae na iyong pakakasalan....
 



***** 

when you love someone, you also give him the capacity of hurting you. 

Di na kailangan pang i memorize yan. Napatunayan ko na ngayon lang... 

+++

1 comment:

Please leave a comment:

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;