Jul 6, 2011

Piring sa Puso

"this is your captain, welcome to Singapore !" 

ang bilis ng oras, kani-kanina lamang ay nasa Pinas pa ako kasama ang mga tao na malapit sa aking buhay. 
haharapin ko na naman ang reyalidad, trabaho-internet, bahay-internet, trabaho internet...and so on. paulit-ulit na routine, ganyan ang buhay ko. 

Sabay sa pagdapyo ng hangin sa aking mukha ay ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. 

Nakilala kita noong panahon na ako ay nasa magulong estado. 
Noong una, kakulitan lamang kita, at dahil kailangan ko ang pirma mo sa papeles na hawak ko, nakipag kulitan naman ako. 
Magdamag tayo na nagpalitan ng message sa text, nanakit na nga ang mga kamay ko. 
Sino ba naman ang hindi magti tyaga na makipag text eh ang pogi mo. 
Isa sa mga kahinaan ko. 

Lumipas ang ilang araw, gumimik tayo. 
Gimik na nagpaiba ng galaw sa aking mundo. 

Minahal kita, at alam kong nagkaroon din ng puwang ako sa puso mo. 
Ngunit alam natin pareho na walang patutunguhan ang relasyon na namumuo sa ating pagitan. 
Kailangan kita dahil requirements ko ang pirma mo, 
Kailangan mo ako, dahil achievement mo ang mga impormasyon na dala-dala ko. 
Gamitan, yun ang eksaktong salita para sa klase ng relasyon na meron tayo. 

Tao lang ako na natututong magmahal. 
Nahulog ng husto ang loob ko sa 'yo at hindi ko namalayaan, 
hinahawakan ko na pala ang isang bagay na kailanman ay hindi naman magiging akin. 
Gusto kitang ikulong sa aking mundo, 
isang pagkakamali na ngayon ay natutunan ko. 

Iniwan mo ako... 

Nawala ang tao na nagpabago sa inog ng aking mundo. 

at makalipas ang 5 taon, muli tayong nagtagpo. 

Iba na ako, nagbago na ang damdamin ko sa 'yo. Yan ang sinabi ko sa harapan mo. 
At dahil kailangan ikaw ang makasama ko sa ilang araw na pananatili ko sa Pinas, hindi naiwasang sumilip ng puso ko sa tao na aking kasa-kasama. 
Andun parin ang pagmamahal, andun parin ang salitang UMAASA. 

at para lamang huwag masaktan, tinapik ko ang aking puso upang iwan ang bintana kung saan ka nya nasisilayan. 

Mas maayos na ang ganito, mamahalin kita ng patago na lamang. 
Kesa ihayag ko sa iyo ang damdamin na kailanman ay hindi magkakaroon ng katugunan dahil pareho nating batid na ito ay isang kalokohan. 

Masaya ka sa pamilya mo, malungkot naman ang buhay ko. 
Pero ayos na ako sa ganito, kesa naman tuluyang mawala ang tao na nagturo kung paano paikutin muli ang mundo. 

Para sa isang kaibigan, pasensya na sa aking pagiging hibang, 
Sa susunod natin pagkikita, sisiguruhin kong nakapiring na ang aking puso para hindi na muling makadungaw sa bintana at makaramdam ng 
maling pag-asa. 

****

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;