time check: 8:49pm
ilang sandali na lang naka online ka na.
makakausap na naman kita sa skype, at kapag mabilis ang internet connection,
may chance pa na masulyapan kita sa webcam.
ilang buwan na ba tayong ganito?
Apat ba o lima? di ko na matandaan. basta ang alam ko, pinag tagpo tayo ng tadhana.
humiwalay ka sa kanya pansamantala para maiayos ang buhay mo.
ako naman, kakatapos lang maiayos ang buhay ko.
dalawang nilalang na nagbibigayan ng lakas ng loob sa isa't-isa.
tayo ang sumira sa sinabi ni Charles Dickens that Electric communication
will never be a substitute for the face of someone who, with her soul,
encourages another person to be brave and true,
dahil sa social networking, nakilala natin ang isa't-isa.
hindi pa man tayo personal na nagkikita, pero feeling natin,
matagal na tayong magkasama.
we are very much compatible, maging sa kalokohan man o serious.
minsan nga nasabi mo sa 'kin, siguro kung nasa Pinas lang ako,
ang saya -saya natin dalawa. na malamang, wala na tayong gagawin kundi mag kwentuhan, magtawanan at magyayabangan, naiimagine ko tuloy
ang ating magiging itsura.
...is online
"hi, musta naman ang wholeday?" pambungad kong bati
"pagod, pero sulit" matipid mong sagot
...
mahabang patlang, walang tawag sa skype or type man lang sa chatbox mula sa iyo.
...
...
ilang sandali ang dumaan hindi na ko nakatiis at nag type ako sa chat box natin.
"oi, ok ka lang? " tanong ko sa 'yo
"bebz, baka di muna ako mag online ha, susunduin ko na kase bukas si Rina. Enough na siguro yung time na nagkahiwalay kami para makapag simula ulit kaming dalawa" animo'y sumabog na bomba ang nabasa ko
Lam mo yung feeling ng binuhusan ka ng isang drum na may yelong tubig,
yung kung pwede lang, lumusot ako sa screen ng monitor para makaharap ka agad
at maipaalala sa 'yo ang mga sakit na pinag daanan mo
noong nag hiwalay kayong dalawa,
baka sakali magbago pa ang desisyon mo.
Panu ko ba sasabihin sa 'yo na hayaan mo na lang sya at mag move on ka na lang,
gaya ng mga napapag usapan natin,na mag sisimula kang muli ng panibagong buhay,
Panu ko ba sasabihin sa 'yo, na hindi sya ang babae na para sa 'yo
at Panu ko ba sasabihin sa 'yo na wag mo na syang balikan,
kase andito naman ako, handang umibig muli para lang sa 'yo ...
na handang masaktan kahit pauli-ulit,
"ganun ba? sabagay mas maganda nga kung mabubuo kayo na pamilya.
basta andito lang ako, laging naka online 24/7 para sa 'yo, in case na kailanganin
mo ang tulong ko." gusto kong ilubog sa kumukulong mantika ang mga daliri ko,
hindi ko alam san nito hinugot ang mga salitang tinipa at nai send sa 'yo.
Minsan, kailangan mong maging ipokrita para pagtakpan ang sakit na nadarama.
Parang ako , kahit alam na walang patutunguhan,
pikit mata ko pa rin isinisiksik ang ideya na maaring maging Tayo...
kahit alam ko na meron ng KAYO...
Sep 21, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Translate
~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~
No comments:
Post a Comment
Please leave a comment: