Nov 7, 2014

Paalam Rhealyn


" Paalam,  at kung sa aking pamamaalam 
napansin mong kulang na ng isang pares ang mga matang nakatuon
at tila sumasamba sa 'yo sa bawat minuto ng araw mo,
ibig sabihi'y pinikit ko na ang mga mata ko.

Tumingala ka sa langit...nandun ako...! "


Naaalala ko pa, isa yan sa pinaka paboritong linya mo sa mga tula na sinulat ko.

I may not be a perfect Ate, pero idol mo ko. 
Isa ka sa unang pumupuri kapag may achievements ako.
Kahit alam kong  binobola mo lang ako 
para may pasalubong ka palagi kapag may package na pinadala ako.
Ikaw ang isa sa mga newscaster ko kapag late magbalita si Karen at Kevin saka si Rina.
Isa ka sa pinaka magandang pinsan ko, kase iilan lang naman tayo.

Sa halos isang linggo, ikaw palagi ang laman ng newsfeed ko.
May mga nalungkot sa pagkawala mo, may nabigla, may hindi makapaniwala.
Meron iba na nakikidalamhati, although sa facebook mo lang sila nakilala.
Yung iba nga nakiki condolence lang kase nakita sa status ng mga facebook friends nila.

Ako man ay nagulat, ikaw na ba naman yung busog at kakatapos lang ng lunch tapos
biglang makakabasa ng message sa facebook na nagsasabing wala ka na. 
Na iniwan mo na kami.
Akala ko nga prank message lang, na pang halloween eklat  ba.
Hanggang sa tumawag nga ako at nakumpirma na totoo nga, pumanaw ka na Rhea.

Noong gabing yun, habang nakaharap ako sa laptop at iniisa-isa ang ating mga pictures
hindi ko napigilan ang mapaluha. 
OO na, umaarte din ako paminsan-minsan, 
akala mo naman ikaw lang ang marunong mag moment momentan, 
saan ka ba nagmana, sabi mo nga, sa akin di ba?
Nahalungkat ko tuloy ang aking harddrive para tingnan ang masasaya nating larawan.

"ate, alam mo na ba ang nangyari sa akin? ang loka ko noh? mana sa 'yo, di ba bongga"   
old message mo sa akin sa yahoo messenger yan. 
Nagulat ako, di makapaniwala.
Sa isip ko dalaginding ka pa lang, 
yung dating Rhea na inaasar asar ko sa laro, magkaka baby na.
Pinagalitan kita, pinag sabihan. 
Sinayang mo kase ang ganda mo, hindi mo nagamit sa kabutihan.

At ngayon nga na wala ka na, napagtanto ko na matalino ka naman pala. 
Nagawa mong mabuhay ng masaya at malaya, dun palang kinabog mo na ko loka ka.
Kahit may sakit ka, nakakangiti ka sa camera, 
hindi nahahalata ang pangangapos mo sa paghinga.
Sabi mo  nga, smile as if tomorrow you're dying.

Bakit nga ba kung kelan wala na yung isang tao, 
saka lamang naiisip at nakikita ang kanyang halaga?
Gaya mo, saka lang na appreciate nung iba ang existence mo ngayong wala ka na.
Madaming nanghinayang, madaming nalungkot. 

Actually isa na 'ko dun.
Remember ang plano ko sa ating magpipinsan? 
Na pipilitin ko lahat kayo makapag tour dito.
Na kapag umuwi ako, magsasama-sama tayo ng ilang araw 
para naman makapag bonding ng husto.

Alam ko nasa payapa ka ng lugar. 
Kung saan walang sakit na madarama. 
Puro na lamang saya at ligaya.

You will always be missed, wag ka naman mananakot sa 'min ha. 
Alam mo naman si Karen at Rina, kung maka palakat, makabasag tenga !
We will always guide Rain, wag kang mag-alala, ibu-bully parin namin sya.
Paiiyakin tapos saka papatawanin, 
parang gaya lang nung magkakasama pa tayo last uwi ko na Fiesta.

Noong kasama ka pa namin at lahat tayo ay masayang - masaya...








No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;