mahilig ka bang magsugal?
noong bata pa ako, lagi akong hinahabol ng patpat na pamalo ng tyahin ko.
mahilig kase akong makipag laban ng pitik-patong, laro na gamit ay rubberband sabay pipitikin at kapag pumatong sa rubberband ng kalaban yun ang panalo, sabay may taya na piso.
kung sino ang talo, magbabayad.
matagal ko ng tinigilan ang pagsusugal, masama daw kase yun at walang idudulot na maganda sa kinabukasan.
hanggang sa nakilala kita.
at muli, natuto akong magsugal.
this time hindi na piso ang aking taya,
hindi kayang tumbasan ng pera ang aking pusta.
dahil puso at damdamin ko na.
kung hanggang saan tatagal ang aking pakikipaglaban, hindi ko pa alam.
basta ang mahalaga, ginagawa ko ang lahat para mapanalunan ka.
ang umaayaw ay di nagwawagi, at ang mga nagwawagi daw ay yung mga hindi umaayaw.
kahit di mo ako pinapansin at balewala sa 'yo anuman ang ipakita kong damdamin, patuloy kitang mamahalin.
isa kang blackjack na kailangan kong kamtin.
***
_________