Dec 7, 2016

Takbo

January 2009
"buzz"
"buzz"

"musta ang SG?" bungad mo na mensahe sa akin
"ayos lang, busy as ever parin" matamlay kong sagot sa 'yo.

mahabang patlang. 
walang nagta type sa screen natin pareho.

"mukhang matamlay ah, may issue?" usisa mo sa akin.

"kase naman, lumabas na findings sa akin ng doctor" 

"may sakit ka? 
AIDS? 
hahahha!" sabay may smiley ka pang idinugtong.

"sira, MS lang. Multiple Sclerosis " paliwanag ko sa 'yo.

"OMG ! that's serious you know." 
"Tatakbo ako sa Marathon for you, for your illness, don't worry, i'm just here no matter what" 

Ramdam ko ang sinseridad mo ng gabi na yun.
Magkalayo man tayo, alam ko na tunay na kaibigan ang turing mo sa akin.


Pagkakaibigan na nagsimula sa mIRC, 
humantong sa Alamak chat 
at ngayon nga ay heto, 
nakarating na sa yahoo messenger.

Di man tayo nagkikita ng personal,
ramdam naman natin ang presensya ng isa't-isa.
May common ground nga tayo sabi mo di ba.


Later that year, isang mensahe ang natanggap ko sa Friendster.

"Hi, brother po ako ni Mike, he passed away few days ago here in Canada."

Atake sa puso.

Nabigla talaga ako. 


Sabi mo, tatakbo ka para sa sakit ko, 
yun pala mauuna ka pa mawala kesa sa akin.
Ang daya mo talaga !


December 2016.

Habang nakatayo ako kasama ang ibang kalahok na tatakbo sa Standard Chartered Marathon,
naalala kita. 

Parang kagabi lang nangyari ang usapan natin, na tatakbo ka sa Multiple Sclerosis Society,

na tatakbo ka para sa akin.


Napatingin ako sa langit,
animoy imahe ng lalake ang aking nakita.
Nakangiti. 
Walang problema.


"at kung sakali na mapansin mo 
na may mga mata na tila nakatitig sa bawat hakbang mo,
tumingin ka lang sa langit, malamang ay nakatanaw ako "


Para sa isang kaibigan, salamat !

Ang takbo na ito ay para sa 'yo. Mike Dumlao.


Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;