nakakatuwa na pagmasdan na nangunguna ang Pilipinas sa pinaka madaming Medalya.
Napatuon ang aking pansin sa pinakababa ng listahan,
Timor Leste - 0 Gold, 0 Silver, 0 Bronze.
Nakakalungkot na ang isang kapit-bansa natin ay wala man lang kahit isang medalya.
Dali-dali akong nag login sa Facebook. Twitter at Instagram account para mag post ng cheer for Timor Leste.
"We got your back Timor-Leste!"
"Never Give up Timor Leste!"
"You can do it Timor Leste"
"We Filipino people are praying for your athletes Timor Leste"
Maya't-maya ang post ko para i-cheer ang Timor Leste group.
Nanghihikayat sa ating mga kapwa Pilipino na i boost ang cheer para sa manlalaro ng east Timor.
Alam ko kase ang pakiramdam nung kahit anong effort, walang nangyayari.
Alam ko ang pakiramdam ng talunan.
Alam ko ang pakiramdam ng naiiwan.
Hanga ako sa Team Timor Leste, kahit alam nilang kulelat na sila,
patuloy parin silang lumalaban.
Pilit itinatayo ang iwinawagayway ang Bandila ng kanilang Bayan.
Hindi sa medalya nasusukat ang galing, nasa pakikisama at pakikiisa.
Marami silang nakilala na bagong mga kaibigan at kasangga.
Hindi man sila makapag uwi ng madaming gintong medalya,
Sigurado naman na sandamakmak ang iuuwi nilang magagandang ala-ala.
Ngayon pa lamang ay binabati ko na ang atleta ng Tinor Leste, Congratulations!
We win as One.
Walang iwanan.
Laban Timor Leste, nandito kami sa inyong likuran!