Feb 13, 2020
Let Go
"mama, dadaanan daw kami ni papa ngayon dito sa bahay" umaalingawngaw sa tenga na boses ng anak kong babae.
" Uy ate, magpaganda ka na habang may time pa " pagbibiro ni Karen.
"Hala ate, inhale ng malalim, para maitago ang fat tummy!" pang aasar ni Jhep.
Masaya ang umaga na ito dahil Bagong Taon at andito halos lahat ng mga pinsan ko.
Naririto rin ang aking kapatid kasama ang kanyang mga anak at apo.
Mahigit 5 years din kaming di nagkita na magkapatid mula ng magtrabaho sya sa Israel.
"weh, si ate nagba blush! Muling ibalik daw ang pag-ibig!" isa pa itong si Kevin, nagtatawanan tuloy ang lahat.
16 years, ganito na pala katagal na hindi tayo nagkikita.
Sa loob ng mga panahon na iyon, mabibilang sa daliri kung ilan beses tayo nagkausap.
Kalimitan ay palitan lamang ng email patuungkol sa custody ng mga bata.
Na grant ang anullment natin eksakto pa na birthday ko noong 2006.
Hindi nagtagal at nagpakasal ka sa babae na dahilan kung bakit hindi na tayo nagkasundo.
Hanggang sa nagkaroon kayo ng mga anak, tulad natin,
isang babae at isang lalake rin ang naging anak nyo.
Hanggang ngayon nga ay hindi pa sila magkakakilala,
hayaan na natin sa ang mga anak natin ang magpasya
kung kalian nila gustong makilala ang kanilang mga kapatid sa ikalawa mong pamilya.
"Ma, andyan na si Papa" napatigil ako sa pagmumuni-muni.
Lumabas ako sa may grahe kung saan nagkakasiyahan ang aking mga pinsan.
Nakaparada ang pick-up na dala mo para sunduin ang mga bata.
At doon nga ay nasilayan kita, hindi ko alam kung paano ako nakapag salita.
"Baba ka muna, pasok ka muna sa bahay" alok ko sa 'yo
"Di na, dito na lang" sagot mo naman
"Kelan ka dumating?" tanong ko sa 'yo
"Nung 19" tipid na sagot mo
Di ko alam kung nahihiya ka ba or nag-aalangan, hindi ka talaga bumaba ng iyong sasakyan.
Lumabas ang ate ko at kinumusta ka.
Mas matagal pa nga ang naging kwentuhan nyo kesa pag uusap natin dalawa.
Buti pa nga si ate kinumusta mo, samantalang ako hindi.
Ewan ko kung ako lang ba nakapansin, pero ang laki na ng ipinagbago mo.
Mas umedad ka na, halata na ang buhay mo ngayon ay ibang-iba noong tayo pang dalawa.
Sabagay, ako man ay nagbago rin, mataba na ako ngayon,
hindi kagaya dati na kung ilarawan mo ay Dyosa na super sexy.
Gusto kitang kausapin, maka-kwentuhan.
Tanungin kung ano na ngayon ang buhay mo,
Gusto kong maging kaswal sa harapan mo,
Hindi ko alam kung pareho ba tayo na hindi makatingin ng derecho sa isa’t-isa
O ako lang ba ang nag-iilusyon at nakakapansin ng kung anu-anong kakaiba.
Bigla ko tuloy naalala yung kanta na
“ I remember the boy, but I don’t remember the feelings anymore”
Madami na nga ang nagbago,
Wala na ang kilig.
Wala na ang excitement.
Pero bakit meron akong nararamdaman na kirot?
Naglakbay muli ang aking diwa,
Napapaisip kung ano kaya tayo ngayon kung hindi tayo naghiwalay.
“ Na miss mo ba sya?! “ nagulat ako bigla kay Rina.
“ Di ah, napansin ko lang ang pangit na pala nya!” sabay sarado ko sa gate .
Tama na ang emote,
May bago na syang pamilya,
Move on na.
Pero paano ba ang mag move on kung hanggang ngayon ay hindi ako maka Let Go?
Subscribe to:
Posts (Atom)
Translate
~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~